^

Punto Mo

Lampong (434)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“Eano bang gagawin mo sa cobra, Dick?’’ tanong ni Mulong na takang-taka kung bakit nagpapahuli ng cobra si Dick.

Ipinasya ni Dick na sabihin na kay Mulong ang dahilan kung bakit nagpapahuli ng cobra. Iinumin ang dugo nito. Mas mabuting alam nito para hindi na magtanong. Alam na naman ni Mulong ang problema niya kay Batutoy. Ipinagtapat niya rito noong lokohin siya ni Mr. Chan ukol sa green capsules.

Tila nanliit si Mulong nang malaman na iinumin niya ang dugo ng cobra.

“Hindi kaya malason ka, Dick. Baka may kamandag ang dugo.”

“Ayon sa nabasa namin sa internet, walang kamandag ang dugo ng cobra. Ang kamandag nito ay nasa ngipin. Dugo lang naman ang ka­ilangan ko.”

“Kinikilabutan ako, Dick. Pero dahil gusto kitang matulungan sa dinaranas mo, ha­hanapin ko ang matandang nanghuhuli ng cobra.’’

“Salamat, Mulong. Tunay­ kang kaibigan.’’

“Bukas ng umaga pupuntahan ko sa Maragook si Tandang Atong. Bihasa siyang manghuli ng cobra. Atong Cobra­ nga ang tawag sa kanya.’’

“Bayaran mo kahit magkano, Mulong.’’

Dumukot ng P5,000 sa pitaka si Dick at binigay kay Mulong.

“Ang dami naman nito, baka P1,000 lang okey na kay Atong Cobra.’’

“Bahala ka na, Mulong. Basta ang mahalaga ay may ma­iuwi kang cobra.

 

KINABUKASAN, ma­agang-maaga ay umalis na si Mulong. Nagpaalam siya kay Tina na pupunta sa Maragook para hanapin si Tandang Atong. Sinabi niya rito ang dahilan. Walang komento si Tina.

Malayo rin ang Maragook. Aakyat si Mulong ng matarik na bundok. Nalaman ni Mulong ang tungkol kay Atong Cobra noong nag-aaral pa siya sa high school. Isang ka­klase niya ang natuklaw ng cobra at si Tandang Atong ang pinuntahan para gumamot o mag-tawak. Nalaman niyang mahusay din itong humuli ng cobra.

Nakarating siya sa bahay ni Tandang Atong pasado alas- nuwebe. Tatlong oras siyang naglakad.

“Magandang umaga po Tandang Atong. Ako po si Mulong, taga-Villareal.”

“Magandang umaga naman Mulong. Ano ba ang kailangan mo sa akin? Palagay ko, mahalaga dahil sinadya mo pa ako sa napakalayong lugar na ito.’’

“Oo nga po Tandang Atong. Magpapahuli po ako ng cobra.”

“Sabi ko na nga ba e.’’

“Puwede mo po akong ma­ihuli, Tandang Atong.”

“Tingnan natin, Mulong. Kasi ngayong panahon nag­luluno ang mga cobra. Yun bang nagpapalit ng balat. Nakatago sila at mahirap makita. Bukod dun, ma­bagsik sila.’’­

“Pakiusap po, Tandang Atong.’’

“O sige. Halika. Doon tayo sa taniman ko ng balatong at kibal. Doon tayo maghahanap ng cobra.”

Naglakad sila. Nang makarating sa taniman ng balatong ay sinipa-sipa ni Tandang Atong ang nakaumbok na lupa. Lahat ng mga lupa ay kanyang sinipat-sipat.

Hanggang sa mayroon siyang naispatan sa butas.

“Eto meron. Suwerte mo Mulong.’’

Nakatingin si Mulong.

Dinukot ng matanda ang butas. May binatak. Cobra! Ang haba!

“Ang laki nito. Mag-ingat ka lang dito, Mulong. Mabagsik ito.”

(Itutuloy)

 

ATONG

ATONG COBRA

COBRA

MAGANDANG

MARAGOOK

MULONG

SHY

TANDANG

TANDANG ATONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with