‘Modus sa mga pampublikong lugar’
MAY kanya-kanyang estilo ang mga kawatan sa pagsasagawa ng modus! Kadalasan, ang kanilang mga paraan sa pag-atake ang ginagawang bansag sa kanilang grupo. Wala silang pinipiling panahon. Basta nakahanap ng tiyempo, ikakasa nila ang balak!
Ngayong “ber†months, agresibo ang sindikato sa kanilang modus! Talamak ang mga holdapan at nakawan sa mga pampublikong lugar at sasakyan na nauuwi sa karahasan.
Nitong mga nakaraang linggo, inulan ng sumbong ang BITAG textline at BITAG Channel hinggil sa mga modus ng mga kawatan sa loob ng dyip at bus at mga pampublikong lugar. Bagama’t walang pinipiling lugar at ruta ang mga kawatan, umaatake sila tuwing uwian o sa rush hour.
Siksikan kasi kaya madali silang makapagnakaw sa mga nagmamadali at abalang pasahero.
Hindi na bago ang ganitong modus kaya maging alerto sa mga nangyayari sa inyong kapaligiran. Ugaliin ang pag-iingat upang makaiwas sa mga kawatan.
Sa iba pang anti-crime tips ngayong “ber†months, manood at makinig ng Bitag Live! araw-araw tuwing 10:00-11:00 ng umaga sa AKSYON TV Channel 41 at Radyo 5 o via live streaming sa www.bitagtheoriginal.com/bitagsaradyo. Sa mga bagong episode ng Pinoy-US Cops – Ride Along at BITAG, mag-log on sa www.bitagtheoriginal.com.
- Latest