NOONG 50’s ay sobrang istrikto pagdating sa family tradition ang pamilyang Chinese ni Ronaldo. Galit na galit sa kanya ang inang biyuda nang bigla niyang itanan ang kahera nila sa kanilang grocery, si Lena. Panganay si Ronaldo sa limang magkakapatid kaya ang pamamahala ng grocery at tindahan ng tela sa Divisoria ay sa kanyang balikat iniatang ng inang si Fang. Pulos babae ang kanyang kapatid at mga may asawa na. Mataray ang ina kaya pinili ng mga kapatid niyang babae na layasan ang ina.
Mabigat man sa loob ay pinatira ni Mama Fang sina RoÂnaldo at Lena sa kanyang bahay. Wala siyang choice dahil kung itatakwil niya si Ronaldo sa pagpapakasal sa babaeng ni gapatak na dugong Chinese ay wala, siya rin ang mahihirapan. Sino ang mamamahala ng grocery at tindahan ng tela? Tinanggal ni Fang si Lena bilang kahera para katulungin na lang ito sa bahay. PaÂlibhasa ay hindi gusto ang naging manugang, pinahirapan niya si Lena. Pinalayas ni Fang ang dalawang katulong upang ipasa ang lahat ng gawain kay Lena. Ni-required pa ng malditang biyenan na yumuko si Lena kung ito ay kinakausap niya, huh… parang reyna. Kahit magsumbong si Lena kay Ronaldo ay wala itong magawa dahil malaki ang takot nito sa ina.
Sa sobrang hirap na dinadanas ni Lena, nagplano siyang lasunin ang biyenan. Lumapit siya sa kakilalang herbalist at supplier ng herbs sa Quiapo. Tinanong niya kung may alam itong herb na puwedeng pumatay nang unti-unti sa isang tao. Hindi nabigo si Lena, ibinigay sa kanya ang pinaghalo-halong herbs na ihahalo sa pagkain ng biyenan. Pero may isang mahigpit na bilin ang herbalist:
“Maging malambing ka sa kanya at tratuhin mo siyang parang reyna upang kapag namatay siya ay hindi ka pagbintangan.â€
Naging sweet si Lena sa biyenan at tinatrato itong reyna. Naramdaman ni Fang ang kabutihang ipinapakita ng manugang kaya isang araw ay kinausap niya ito: “Lena ako ay patawarin mo sa aking mga ginawa sa iyo. Kahit kailan ay hindi nagawa ng aking mga anak na babae ang pagsiÂsilbing ginagawa mo sa akin. SiÂmula ngayon ay kukuha ako ng katulong. Ikaw na lang ang magsu-supervise sa kanila.â€
Na-guilty si Lena at muÂling nakipagkita sa herbalist: “Ayoko nang lasunin ang aking biyenan. May paraan ba para mailabas ng kanyang katawan ang lason na ipinakain ko sa kanya? Mahal ko na ngayon si Mama Fang.â€
“Don’t worry, walang lason ang herbs na ibinigay ko sa iyo. Pero nagawa mong ilabas ang lason sa puso ng iyong biyenan sa pamamaÂgitan ng pagtrato mo sa kanya na para itong reyna.â€
Be kind to your mother in law, the same way, you would like your husband to be kind to your own mother.