MARAMING insidente ng pangre-rape sa India. Kamakailan, napabalita ang panggagahasa sa isang estudyanteng babae ng apat na kalalaÂkihan. May isang insidente, na isang babae ang ginahasa sa loob mismo ng train. Nahuli naman ang mga rapist at nahatulan ng kamatayan.
Marahil, ang madalas na panggagahasa sa mga kababaihan ang nagtulak sa tatlong Indian engineering students para umimbento ng bra para mapigilan o malabanan ang mga rapists.
Ang “anti-rape bra†ay tinawag na Society Harnessing Equipment (SHE). Ito ay mayroong global positioning system (GPS), may sensor at may device na kayang maghatid ng 3,800 kV o boltahe ng kuryente.
Ayon kay Manisha Mohan, estudyanteng nakaimbento ng “anti-rape bra†kapag ang isang babae ay tinangkang gahasain, makukuryente ang suspect. Ipinaliwanag ni Mohan na ang una raw hinahawakan ng rapist ay ang mga suso ng babae. Kapag hinawakan o pinisil ang suso ng babae, makukuryente ang rapist sapagkat nakakabit sa may suso ang shocl circuit board. Kasunod niyon ay maaalerto ang pulisya sapagkat equipped ng global positioning system ang device. Mahuhuli ang rapist dahil alam ang lokasyon ng krimen.
Katulong ni Mohan sa pag-imbento ng “anti-rape bra sina Rimpi Tripathi at Neeladri Basu Pal. Sila ay mga estudyante ng SRM University sa Chennai.
(www.oddee.com)