6. Genius ang mga kontrabida dahil laging nakakalusot sa batas o sa pang-uusig ng bida.
7. Nagsasanib puwersa ang babaeng inayawan ng bidang lalaki at lalaking inayawan ng bidang babae. Gagawin nila ang lahat ng klaseng kasamaan upang magkahiwalay ang mga bida. Kapag pumalpak ang first strategy, kikidnapin nila ang mga bida o mga mahal nito sa buhay.
9. Dinadala ang kidnap victims sa abandonadong warehouse or building. Doon magkakaroon ng labanan: Pasabog ng mga lihim, at susundan ng barilan.
10. May palitan o nakawan ng babies. Minsan, palitan o nakawan ng mukha through plastic surgery.
11. May character na “disfigured†ang mukha.
12. May baklang sidekick ang bida. Bakit kaya ayaw nilang gumamit ng sidekick na tomboy?
13. May kotseng pinapasabog o tinatanggalan ng preno.
14. Ang kontrabida ay may alagang mga maton na uutusang manakot o gumawa ng kung ano-anong kabuktutan sa bida.
15. May Donya o Don na kakampi ang kontrabida.
16. May kakampi namang mahirap na lola o lolo ang bida. O, minsan, para maiba, may kakamping mabait na tsimay ang bida.
17. May eksena na iniinsulto ng sosyal na kontrabida ang “purita†(poor) ngunit magandang bida.
18. May involve na DNA testing.
19. May amnesia o cancer ang bida.
20. Tumatakbo sa ibang bansa ang kontrabida upang magtago. Tapos kapag malamig na ang sitwasyon, biglang babalik sa Pilipinas upang muling bulabugin ang bida. Ito ang ginagawa kung successful sa rating ang teleserye, para magkaroon ng extension ang palabas.
21. Ang eksena sa ending ay kanya-kanyang pag-amin ng kanilang kasalanan ang bawat character, bida man o kontrabida. Pagkatapos ng nakakaumay na paghihingian ng tawad, magpapasyang manirahan sa US ang bida o kontrabida. Buti pa sa teleserye, mabilis kumuha ng US visa ang mga tao.
Mula umaga hanggang gabi ay kapiling ng pamilyang Pinoy ang mga teleserye sa kanilang tahanan, kaya parang awa na ninyo—writers and directors, umisip naman kayo ng panibagong formula sa paghabi ng kuwentong ihahain ninyo sa aming manonood. Pero pinupuri ko ang Be Careful with my Heart at My Husband’s Lover dahil nagkaroon ng upgrading ang treatment sa elements (characters, setting, rising and falling action, resolution to problems, etc.). ng istorya.