Nagpapatiwakal dumarami
BATAY sa rekord ng National Statistics Office, dumarami ang biÂlang ng nagpapakamatay at panguÂnahing dahilan ay ang depression. Ang suicide rate mula 1984 hanggang 2005 ay tumaas mula 0.46 sa pito sa bawat 200,000 kalalakihan samantalang ang incident rate sa mga kababaihan ay mula 0.24 sa dalawa sa bawat 200,000 kaÂbabaihan.
Magkakaiba ang dahilan ng pagpapasya ng ilang mga tao na tapusin ang kanilang buhay. Sa mga pahayagan, telebisyon, radyo at internet, karaniwan nang napapabalita ang mga lalaki o babae na nagpapatiwakal dahil sa sobrang kahirapan, kabiguan sa buhay o sa pag-ibig, paninibugho, pagkawala ng taong minamahal, kalungkutan, pagkasira ng karangalan o dangal, at iba pa. Sa England nga, lumilitaw din sa pag-aaral ng isang grupo ng mga researcher ng Institute of Psychiatry ng London na tumataas ang bilang ng mga nagpapatiwakal kapag mainit ang panahon. Mas mapusok ang damdamin ng mga tao kapag tag-init kaya delikado ito para sa mga mahihina ang loob pagdating sa problema sa buhay.
Ayon sa researcher na si Dr. Lisa Page, isang maaaring paliwanag dito ay mas mainisin, mainitin ang ulo, agresibo at mapusok ang isang tao kapag sobrang init ng panahon.
Maaaring hindi ito napapansin sa Pilipinas pero ang bansa natin ay isang maituturing na mainit na lugar. Hindi kataka-taka na marami ang napapaulat na nagpapatiwakal.
Anuman ang dahilan, dapat napapayuhan o namamatyagan ang mga taong sobrang hina ng loob sa pagharap sa mga problema o pagsubok sa buhay. Hindi dapat ipagwalambahala ang mga ito. Malimit, sa mga nababasa kong balita hinggil sa mga nagpapatiwakal, ilan na palang kakilala o kaibigan o kamag-anak ang nakakapansin sa kakaibang ikinikilos ng biktima noong nabubuhay pa ito pero wala silang ginawa.
May limitasyon din ang siyensiya. May mga gamot ngang pampakalmante para sa mga taong depressed o nagbi-breakdown pero pansamantala lang iyon. Mahalagang tulong pa rin ang tinatawag na spiritual guidance sa mga tao na pinanghihinaan ng loob sa buhay. Nandiyan din ang pagdamay sa kanila para magkaroon sila ng lakas ng loob na harapin ang anumang pagsubok o hirap na dinaranas nila. Pero kailangan din nga sigurong magkaroon ng suicide prevention program ang pamahalaan na tulad ng ipinapanukala ni Senador Grace Poe.
(Anumang reaksyon sa kolum na ito ay maipaparating sa e-mail address na[email protected])
- Latest