HABANG pinagmamasdan ni Dick ang mga kulungan ng itik na walang laman kahit isa, nakadama siya ng pagsisisi kung bakit naniwala agad kay Mr. Chan. Hindi sana siya pumayag sa kagustuhan nito na ang kabayaran ay ang itikan sa mga ibinigay sa kanyang green capsules na mga peke naman pala. Masyado siyang nagtiwala. Sana ay nag-isip muna siya nang ilang ulit. Desperado kasi siya at gustong malunasan ang problema kay Batutoy. Ngayon ay hindi lamang siya ang apektado kundi pati na rin ang mga trabahador. May mga pinag-aaral pa namang anak ang mga trabahador nila. Baka tumigil ang mga anak nila sa pag-aaral dahil sa nangyari. Naisip ni Dick na dapat kausapin niya ang mga trabahador at ipaliliwanag ang nangyari. Ipapangako niya sa mga ito na tutulungan ang sinumang may problema sa pang-tuition.
Ang masinsinan niyang kinausap ay si Mulong. Gusto niyang malaman kung bakit inubos na lahat ni Mr. Chan ang mga itik. Pati mga sisiw ay walang tinira. Wala silang pagsisimulan dahil sa ginawa ni Mr. Chan.
“Nagtataka nga rin ako Dick kung bakit kinuha lahat ng hayop na Tsinoy ang mga itik. Pati ang mga bagong pisa ay kinuha rin nila. Narinig ko sa isang tauhan, ginagamit daw ang mga itik sa isang uri ng gamot. Ibinibiyahe raw ang mga karne ng itik patungong Hunan, China at doon ginaÂgawang gamot.â€
“Gamot kaya saan, Mulong?â€
“Hindi ko narinig ang usapan ng dalawang tauhan habang kinukuha ang mga itik. Basta raw ibibiyahe ang mga itik sa China.â€
“Maraming illegal na gaÂwain ang Tsinoy na yun. Mabuti na lang at napatay ng mga pulis.’’
“Talaga, patay na ang walanghiyang Tsinoy?â€
“Oo. Nagbayad din siya, Mulong.’’
“Ang akala ko wala nang katapusan ang Tsinoy na iyon. Kasi ang dami niyang pera at palagay ko madaling makaÂlusot sa kaso. Buti pala at patay na siya.â€
“Nang-agaw ng baril. Siguro natunugan niya na papatayin din siya kaya nagbakasali na. Tigok siya.’’
“Kung umasta ang mga tauhan niya akala mo e nabili na ang buong Villareal. MaÂyayabang dahil may baril. Kung wala lang baril ang mga bodyguard kaya ko silang pabagsakin.’’
“Mabuti at hindi ka luÂmaban. Tutuluyan ka ng mga iyon. Halang na ang kaluluwa nila, Mulong.â€
“Naisip ko rin naman ‘yun, Dick.’’
Natahimik sila. Nag-iisip si Dick.
“Ang problema natin ay kung saan kukuha ng itlog para makapagsimula tayo. Talagang balik tayo sa zero.â€
Nagpaalam sa kanya si Mulong.
“Saan ka pupunta?â€
“Diyan lang sa tabi-tabi,†sagot ni Mulong.
Pagbalik ni Mulong, isang basket na puno ng itlog ng itik ang dala nito. Taka si Dick.
(Itutuloy)