^

Punto Mo

Mga higanteng daga, na namemeste sa China, hinuli at niluto; kutsilyo nabali dahil sa tigas ng buto

- Arnel Medina - Pang-masa

PROBLEMADO ang mga taga-Hunan Province, China. Napakaraming daga ang lumulusob sa kanilang lugar at naghahatid sa kanila ng takot. Paano’y sobrang malalaki ang mga daga. Umano’y sampung beses na malaki kaysa mga karaniwang daga ang sumasalakay sa kanilang lugar at hindi nila alam ang gagawin.

Ayon sa mga residente, nagtaka sila kung bakit biglang naubos ang mga alaga nilang isda sa pond. Marami raw silang isda at handa na nilang hulihin ang mga ito para ibenta at pang­kain na rin nila subalit nadiskubre nilang wala nang laman ang palaisdaan. Ang dahilan, hinuhuli pala ito ng mga malalaking daga at kinakain.

Para makasiguro kung sino ang may kagagawan nang pagkaubos ng mga isda, naglagay ng guwardiya ang may-ari ng palaisdaan. At nahuli ng guwardiya ang may kagagawan nang pagkaubos ng mga isda --- isang higanteng daga na tumitimbang ng limang kilo at ang haba ay 90 cm.

Huling-huli ng guwardiya kung paano hinihila ng higanteng daga ang isda mula sa pond. Ang isda na nahuli ng daga ay may timbang na tatlong kilo.

Nagtagumpay ang guwardiya na mahuli at napatay ang higanteng daga. Subalit hindi rin napigilan ang marami pang daga sa paglusob sa mga palaisdaan.

Kaya naglunsad na ang mga local farmer ng kampanya para lubusang maubos ang mga higanteng daga. Malaki na raw ang nalulugi sa kanila dahil sa mga peste.

Naging matagumpay naman ang kanilang kampanya at marami silang nahuling higanteng daga.

Dahil sa katuwaan nila sa pagkahuli nang mara­ming daga, ilan sa mga ito ang kanilang iniluto at kinain su­balit dahil sa kunat ng balat at tigas ng buto, dalawang kut­silyo ang nabali. Hindi kinaya ng kutsilyo ang higanteng daga.

 

AYON

DAGA

DAHIL

HIGANTENG

HULING

HUNAN PROVINCE

ISDA

KAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with