DITO sa Pilpinas ay kinamumuhian ang mga daga dahil sa sakit na idinudulot katulad ng leptospirosis at ibang malulubhang karamdaman. Pero sa Netherlands, lubhang kailangan ng Dutch police ang mga pesteng daga para maging katulong nila sa paglutas ng mga krimen. Ayon sa Dutch police, kapag na-train ang mga daga, maaaring masolb nila ang mga malalaking krimen lalo na ang may kaugnayan sa illegal drugs.
Ayon sa mga awtoridad sa Netherland, talamak din ang illegal drugs trade doon at lubha silang nahihirapan kung paano ito lulutasin. Lahat nang paraan ay ginawa na nila pero patuloy pa rin ang pagkalat ng droga.
Hanggang sa maisipan nilang gamitin ang mga daga. Sa katunayan, ayon sa Dutch police, nagtagumpay na silang i-train ang unang batch ng mga daga. Maaari na nilang gamitin ang mga ito sa pag-amoy ng illegal na droga, gunpowder at iba pang substances. Kapag nagtagumpay, 95% na mapapabilis nila ang criminal investigations.
Ganunman, kahit daw mayroom silang mga daga na ginagamit, patuloy din ang paggamit sa kanilang police dogs. Hindi raw papalitan ang mga aso.