PUMAPAYAG na umano si Senate President Franklin Drilon na i-subpoena ang itinuturong “utak†ng P10-billion pork barrel scam na si Janet Lim Napoles. Pero si Ombudsman Conchita Carpio Morales ay naninindigan na dapat huwag padaluhin ang “utak†ng pork barrel scam. Unang nagpahayag ng pagtanggi ang Ombudsman sa isang sulat sa Senado na kinatigan naman ni Drilon. Ang Senate blue ribbon committee na pinamumunuan ni Sen. TG Guingona ang nag-iimÂbestiga sa kaso ni Napoles. Kung totoo na lumambot na ang posisyon ni Drilon at maaari na niyang pirmahan ang subpoena para kay Napoles, magandang pangitain ito. Maraming mahuhukay na “lihim†pa kay Napoles mula noong mag-umpisa siya sa sinasabing scam. Ayon sa mga whistle blower, 10 taon nang nag-ooperate ang mga NGO na binuo ni Napoles. Sa dami umano ng perang nakubra, hindi na magkasya sa kama kaya sa bathtub na inilalagay.
Sa mga surbey kung dapat padaluhim o hindi si Napoles, lagi nang marami ang nagsasabing dapat siyang padaluhin. Siya ang pinaka-star ng iskandalong ito kaya dapat siyang humarap at sagutin ang mga tanong ng senador. Hindi magkakaroon ng “linamnam†ang kaso kung wala ang itinuturong “mastermindâ€. At kung mayroon namang magpupumilit na huwag padaluhin si Napoles, ang taumbayan ang magagalit. Mulat na mulat na ang taumbayan sa iskandalong ito. Lahat ay nakasubaybay sapagkat ang sangkot na perang naibulsa ay pondo na galing sa buwis ng mamamayan.
Katunayan, sa Biyernes ay mayroon na namang protesta na gaganapin para tutulan ang pork barrel. Hindi na mapipigilan ang nagngitngit na mamamayan sa pagpapahayag ng saloobin. Kaya ang anumang pagpigil kay Napoles na padaluhin sa pagdinig ay magdadagdag sa naiipon pang galit ng taumnbayan.