Pirarucu: Ang higanteng isda na parang tao kung umubo

ITINUTURING na pinaka-malaking isda sa Amazon   River ang Pirarucu na tinatawag ding Arapaima at Paiche. May haba itong 9 feet at tumitimbang ng 90 kilograms.

Pero ang higit na nakaaagaw ng pansin sa isdang Pirarucu ay ang pag-ubo nito na maihahalintulad daw sa tao. Ayon sa mga mangi­ngisda, kapag na­ karinig sila ng ubo habang nasa Amazon River, palatandaan na mayroong Pirarucu.

Hindi umano lumulubog nang malalim sa tubig ang Pirarucu sapagkat kailangan niyang makalanghap ng hangin. Kailangang makasagap siya ng oxygen sa pamamagitan ng kanyang hasang. Kapag nagpupuno siya ng oxygen, doon nagkakaroon ng kakaibang sound na parang tao na masidhi ang pag-ubo.

Makakapal ang kaliskis ng Pirarucu at ito ang panang­galang niya sa mga kalaban lalo na sa mga piranha. Ganunman, kabilang siya sa mga carnivorous fish na sumisila sa kapwa isda at maging sa mga ibon.

Ang kakaiba pa sa Pirarucu, maging ang dila nito ay mayroong matatalas na mga ngipin kaya mabilis na nakakain ang anumang nasisila.

 

Show comments