^

Punto Mo

Peñafrancia

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

NOONG nakaraang linggo, pinalad akong masaksihan ang Pista ng Penafrancia sa Bicol sa unang pagkakataon. Bagamat madalas ako sa Kabikulan, first time kong makadalo sa nasabing pista.

Dalawang beses akong lumipad para sa Bicol last week. Noong Biyernes ay para sa isang event para sa SMART Com­munication na ginanap sa Jesse Robredo Coliseum. At noong Linggo naman ay para sa Grand Kapuso Fans Day ng GMA 7 Primetime Queen na si Marian Rivera sa Plaza Quezon. Noong Sabado, Setyembre 21, ang kick off nang lahat ng selebrasyon --- parada, seremonyas at ang pinakaaabangan ng lahat – ang traslacion o ang prusisyon – ang paglalakbay ng birheng Maria sa ilog patungo sa Katedral ng Naga.

Narito ang mga trivia hinggil sa kasaysayan ng nasabing tradisyon:

Ang debosyon sa Lady of Penafrancia ay nag-ugat sa pagkakasakit ng anak ng isang opisyal na Espanyol.

Dinasalan ng pamilya ni Miguel Robles de Covarrubias ang Lady of Penafrancia at ipinangakong kapag gumaling ang anak nito ay patatayuan niya ng simbahan ang birhen sa may Ilog Pasig sa Maynila.

Nagamot ang bata at naging pari siya sa Ciudad de Nueva Caceres, o ang mas kilala nating lahat ngayon bilang Naga City,

Bilang pagtupad sa kanyang ipinangako, dalawang bagay ang iniutos ni Padre Miguel sa mga lokal ng Mt. Isarog – ang magtayo ng kapilya sa may Ilog Bikol. At ang magpagawa ng inukit na imahe ng Lady of Penafrancia, mula sa litrato nito. Maraming milagro ang itinayang naganap simula nang magawa ang dalawang bagay na ito.

Isa sa mga pinakaunang milagro ay ang pagpatay sa isang aso upang magamit ang dugo nito sa pagpinta sa imahe. Pero ang parehong aso ay nakitang nabuhay at muling lumalangoy sa ilog. Marami diumano ang nakasaksi sa kaganapang ito.

“Ina” ang tawag ng mga Bikolano sa Nuestra Senora de Penafrancia.

Tinatayang limang milyong deboto ang dumadayo sa Bikol taon-taon para sa pagtatanghal sa pinaka-malalaking panata sa bansa. na imahe ng Lady of Pena­francia, mula sa litrato nito. Maraming milagro ang itina-yang naganap simula nang magawa ang dalawang bagay na ito.

Isa sa mga pinakau-nang milagro ay ang pagpatay sa isang aso upang magamit ang dugo nito sa pagpinta sa imahe. Pero ang parehong aso ay nakitang nabuhay at muling lumalangoy sa ilog. Marami diumano ang nakasaksi sa kaganapang ito.

“Ina” ang tawag ng mga Bikolano sa Nuestra Senora de Penafrancia.

Tinatayang limang mil-yong deboto ang dumadayo sa Bikol taun-taon para sa pagtatanghal sa pinaka-mala-laking panata sa bansa.

 

vuukle comment

BICOL

BIKOL

BIKOLANO

GRAND KAPUSO FANS DAY

ILOG BIKOL

ILOG PASIG

LADY OF PENAFRANCIA

NUESTRA SENORA

PENAFRANCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with