Pinsalang dulot ng giyera

Dalawampung araw ang itinagal ng kaguluhang naganap sa  Zambonga City bago tuluyang idineklara  na  tapos noong nakalipas na Sabado.

Sabado ng umaga ng payagan na nina Defense Secretary Voltaire Gazmin at DILG Secretary Mar Roxas na  pasukin na ng media  ang Brgy. Sta. Catalina at Sta. Barbara na dito naging matindi ang labanan sa panig ng tropa ng pamahalaan at ng mga tauhan ng Moro National Liberation Front (MNLF).

Iba  na raw ang amoy sa lugar dahil sa mga narekober na  bangkay  na pinaniniwalaang mga miyembro ng MNLF. Isasailalim umano sa forensic examination ang mga bangkay para matukoy kung isa rito ang sinasabing pinakalider ng mga nakalabang MNLF na si Commander Habier Malik.

Sa pagbabalik tanaw, Setyembre 9  nang lumusob sa coastal barangay ng Zamboanga City ang may 300 MNLF fighters na pinamumunuan ni Malik at nagsimulang mang-hostage ng may 300 sibilyan.

Sa magkakaibang pagkakataon, nasagip ang ibang bihag , ang ilan nakatakas,  hanggang noong Sabado nga wala nang hawak na bihag o hostage ang MNLF.

Sa naganap na krisis, tinatayang aabot sa 166 ang napaslang na MNLF, 204 ang nasakote , kasama rito ang may 24 sumuko.

Sa panig ng pamahalaan aabot sa 23 ang napatay kabilang ang tatlong junior officers, sa panig ng mga sibilyan 12 ang nasawi at 72 ang nasugatan.

Matindi  rin ang nangyaring perwisyo  lalu na sa kabuhayan at mga ari-arian ng mga mamamayan.

Wasak ang kanilang mga tahanan, ang iba sadyang sinunog ng MNLF at ilan tadtad ng tama ng bala dahil sa pagpapalitan nang putukan.Mga negosyo napurnada, ilang araw na hindi umusad.

Ang pag-aaral ng mga bata naapektuhan, hanggang sa ngayon daang libo pa rin ang nasa evacuation center na hindi alam kung paano magsisimula sakaling mapayagan na silang bumalik sa kani-kanilang lugar.

Ito ang resulta sa naganap na labanan.

Ayon naman sa pamahalaan may nakalaang pondo para magsilbing shelter assistance  ng mga pamilyang nawalan o nawasak ang mga tirahan.

Ngayong tapos na ang labanan at kaguluhan mas lalong dapat na maalagaan ang mga residenteng naapektuhan ng giyera. Dito mas lalu nilang kailangan ang kalingan ng pamahalaan.

Bagamat hindi pa ganun kadali o posibleng  matagalan pa bago tuluyang bumalik sa normal na buhay ng mga residente sa lungsod, pero umaasa ang marami na sana ay hindi na maulit ang mga ito.

Hindi rin makatarungan na magamit ang insidenteng ito sa mga pagpapapogi, kundi ang dapat na matiyak eh hindi na maganap ang ganito sa mga susunod na araw.

Kung merong pagkukulang, iyon ang dapat na matugunan.

Wasak ang kanilang mga tahanan, ang iba sadyang sinunog ng MNLF at ilan tadtad ng tama ng bala dahil sa pagpapalitan nang putukan.Mga negosyo napurnada, ilang araw na hindi umusad.

Ang pag-aaral ng mga bata naapektuhan, hanggang sa ngayon daang libo pa rin ang nasa evacuation center na hindi alam kung paano magsisimula sakaling mapayagan na silang bumalik sa kani-kanilang lugar.

Ito ang resulta sa naganap na labanan.

Ayon naman sa pamahalaan may nakalaang pondo para magsilbing shelter assistance  ng mga pamilyang nawalan o nawasak ang mga tirahan.

Ngayong tapos na ang labanan at kaguluhan mas lalong dapat na maalagaan ang mga residenteng naapek­tuhan ng giyera. Dito mas lalu nilang kailangan ang kalinga ng pamahalaan.

Show comments