Black Caiman: Ang buwayang walang patawad kung sumagpang!

KAKAIBA umano sa lahat nang uri ng buwaya ang black caiman na matatagpuan sa Amazon River. Lumalaki sila ng hanggang 20 feet. Kakaiba ang laki at bigat ng kanilang ulo. Sinasabing mas malaki ang kanilang ulo kaysa mga buwayang nasa Nile River. Ang mga black caiman ang itinuturing na “hari” ng Amazon River.

Masyadong matalas ang kanilang mga ngipin na ang anumang sagpangin ay napuputol. Walang patawad at kinakain nila ang lahat nang nasasagpang --- unggoy, usa, anaconda, piranha at maski tao.

Noong 2010, isang babaing biologist na nagngangalang Deise Nishimura ang sinala­kay ng caiman. Nililinisan ni Nishimura ang isda sa kanyang houseboat nang biglang lumutang ang caiman. Sinagpang ang binti ni Nishimura. Lumaban si Nishimura pero naputol na ng matatalas na ngipin ng caiman ang binti at tinangay sa pagtakas.

Ayon sa report, matagal na umanong nagtatago sa houseboat ni Nishimura ang buwaya at naghihintay lamang ng pagkakataon para sumalakay.

 

Show comments