MARAMI ang hindi nakakaintindi kung ano ang ibig sabihin ng “presyon ng dugo†o “blood pressureâ€? Ang presÂyon ng dugo ay tumutukoy sa lakas at bilis ng pagdaloy ng dugo sa mga ugat habang nagbobomba ang puso. Mahalaga ang presyon ng dugo para sa sapat na pagdadala ng dugo ng sustansya sa iba’t ibang bahagi ng ating katawan.
Ito ay sinusukat at sinasaad sa dalawang numero: ang systolic at ang diastolic na presyon. Halimbawa, kapag sinabi ng doktor na 120 over 80. Ang unang numero (120) ang systolic na presyon, at ang pangalawang numero (80) ang tinatawag na diastolic na presyon.
Konting paliwanag lang: Ang systolic na presyon ay ang pinakamataas na presyon sa ugat habang nagbobomba ng dugo ang puso. Ang normal na systolic na presyon ay hanggang 140 mm Hg.
Ang diastolic na presyon ay ang pinakamababang presyon sa ugat habang ang puso ay nagpapahinga. Ang normal na diastolic na presyon ay hanggang 90 mm Hg.
Maaaring mag-iba ang presyon ng dugo dahil sa mga sumusunod:
1. Gawain o pagtatrabaho.
2. Pag-iiba o pagpapalit ng posisyon, gaya ng paghiga, pag-upo at pagtayo.
3. Pagkain, sakit na nararamdaman, pag-iisip at matinding pagkabalisa.
Kailan sasabihing may altapresyon ang isang tao?
Kapag ang presyon ng dugo ay mataas kaysa sa normal, at ito ay nananatiling mataas, ito ay tinatawag na altapresyon. Ang blood pressure na 140 over 90 (140/90) pataas ay nangangahulugan ng altapresyon! Alam n’yo ba na sa isang pangkaraniwang barangay, tinatayang mayroong isa sa apat na katao ang may altapresyon!
Heto ang pinakabagong klasipikasyon ng blood pressure sa taong edad 18 pataas:
Systolic Diastolic
Pinakamainam < 120 at < 80
Mataas sa normal 120-139 o 80-89
Altapresyon:
Baitang 1 140-159 o 90-99
Baitang 2 ≥ 160 o ≥ 100
Ang mga pangkaraniwang sintomas ng altapresyon ay ang (1) sakit ng ulo sa bandang batok, (2) pagkahilo, (3) mabilis na tibok ng puso na halos kumakabog ang dibdib, at (4) paninikip o pagkirot ng dibdib.
Hindi lahat ng taong may high blood ay may sintomas. Karamihan nga ay walang nararamdaman. Ngunit delikado pa rin ito. Kung mataas ang inyong BP, kumonsulta agad sa inyong doktor o health center.