ISANG “Church goer†ang sumulat sa isang community newspaper sa Brisbane, Australia at nalathala ang kanyang liham sa “Dear Editorâ€. Ganito ang isinasaad ng liham:
“Sa loob ng 30 taon, ako ay nagsisimba tuwing Linggo. At sa ganoong kahabang panahon, more or less ay 3,000 sermon ng pari ang aking narinig. Sa kasamaang palad, kahit isa sa mga sermon na ’yun ay wala akong matandaan. Kaya naisip ko, bakit kailangan ko pang magsimba, gayong wala naman akong napapala? Nagsasayang lang ako ng panahon, ganoon din ang pari na nagbibigay ng sermon.â€
Naging kontrobersiyal ang maikling liham na iyon at maÂraming mambabasa ang nagbigay ng kanilang reaksiyon. Isang liham ang napili bilang sagot at inilathala rin sa “Dear Editorâ€:
“Ako ay kasal ng 30 taon sa aking misis. Sa loob ng panahong iyon ay mga 32,000 meals na, more or less ang niluto niya para sa akin. Hindi mahusay magluto ang aking misis kaya siguro, kahit isa sa mga niluto niya ay hindi tumatak sa aking isipan. Hindi man ako nasarapan, ang alam ko’y nagbigay sa akin ng lakas at nourishment ang mga pagkaing isinilbi sa akin. Kung hindi ko kinain ang mga niluto ng aking misis, siguradong patay na ako ngayon. Likewise, kung hindi ako magsisimba, siguradong matagal na akong spiritually dead. Ang pagsisimba ay hindi lang tungkol sa sermon ng pari kundi nasa pananampalataya sa Panginoong Diyos. Hindi mo ba alam na dahil sa pananampalataya sa Diyos, nakikita natin ang invisibles; pinaniniwalaan natin ang incredibles at higit sa lahat, nakakamit natin ang impossibles.â€