^

Punto Mo

EDITORYAL - Baha sa Olongapo at Subic ano ba naman, DPWH?

Pang-masa

HINDI lamang sa Metro Manila mapinsala ang baha, pati sa mga probinsiya ay nagbabaha rin at kalunus-lunos dahil maraming namamatay. Dahil sa pag-ulan, may gumuguhong lupa at natatabunan ang mga bahay. Sa Metro Manila, isinisisi ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang pagbaha dahil sa hindi matapos-tapos na paghuhukay at drainage project. Noong Lunes, muling bumaha sa Metro Manila at maraming lugar ang lumubog sa baha. Maaaring ang mga hindi pa natatapos na drainage project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang dahilan. Walang madaluyan ang tubig kaya naging dagat ang mga kalsada. Dahil sa baha, sinuspinde ang klase sa mga school.

Pero ang grabeng pagbaha sa Olongapo at Subic sa Zambales noong Lunes ay nakapanghihilakbot dahil umabot sa 31 ang namatay. Marami ang naguhuan ng lupa. Ayon sa mga residente, ngayon lang nangyari ang ganoong pagbaha na umabot sa bubong ng mga bahay. Parang naulit ang Ondoy noong Set. 26, 2009. Marami ang nagulat sa biglang pagtaas ng tubig. Umapaw ang Calaclan River sa Olongapo at rumagasa ang tubig sa mga bahay.

Sinisisi ng mga residente ang hindi natapos na dredging­ project ng DPWH sa Calaclan River. Masyadong­ mababaw na ang ilog na naging dahilan ng pagbaha. Isinisisi rin ang pagbaha dahil sa mga squatter na nasa pampang ng ilog. Nahaharangan ang daloy ng tubig.

Ayon sa report, mula pa 2010 ay hindi nahuhukay ang ilog kaya bumabaw na ito nang bumabaw. Sabi naman ng DPWH nasira ang dredging machine kaya nahinto ang operasyon. Wala umanong mabiling piyesa­ para sa machine at sa ibang bansa pa kailangang orderin­. Lumang modelo na rin daw ang machine.

Bakit hindi kumikilos ang DPWH at ngayon lang, kung kailan bumaha na saka lamang maghahanap ng piyesa ng dredging machine.  Bakit ngayon lang nakita ang maraming barungbarong sa pampang ng ilog?

Mapa-Metro Manila at mapa-Subic ay baha. Bakit nga ba, DPWH?

AYON

BAKIT

CALACLAN RIVER

DAHIL

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

MAPA-METRO MANILA

MARAMI

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with