Kailan darating?

Kailan babalik ang dating panahon

Na sa bansang ito’y umiiral noon?

Banal na hangaring bansa ay sumulong

Ay bukal sa puso na patungo roon.

 

Sa ngayon ang bansa ay lubog sa hirap

Matanda at bata’y iba ang pangarap

Ang sarili lamang tanging hinahangad

Darating ang araw hihiga sa pilak!

 

Ang maraming perang hinahanap nila

Sa ibang paraan pilit kinukuha

Kaya kadalasan nabibigo sila

Kinasasapita’y kamatayan pa nga!

 

Ang dapat sikapin ng lahat ng Pinoy

Yaong karangyaang buhay ay karugtong

Ng gintong pag-asang buhay ay pasulong

Sa mga paraang walang nalilipol!

Show comments