^

Punto Mo

‘Pirma Plan’

- Tony Calvento - Pang-masa

UNTI-UNTING nagbukas ang kabaong na may tunog na langitngit ng kahoy na niluma na ng panahon… Lumabas ang kalansay dahan-dahang tinaas ang kanyang kamay inabot ang pluma at pumirma sa dokumento.

Pangyayaring aakalaing makikita lamang sa isang ‘horror film’ na nagaganap din sa totoong buhay.

“Hindi na nila ginalang ang mama ko. Nanahimik na siya tapos ganun pa ang ginawa nila,” kwento ni Annabelle ng magtungo sa aming tanggapan.

Si Anabelle Mondejar Adalin, 56 na taong gulang, may asawa at tatlong anak ay residente ng Koronadal City, South Cotabato. Nagtungo siya sa aming tanggapan para sa kanyang reklamo tungkol sa kanilang lupain. Kinakamkam umano ito ng kanyang madrasta at anak nito.

Maagang naulila si Anabelle at kuya nitong si Bonifacio Jr. ng kanilang ina makaraang mamatay dahil sa aksidente. Makalipas ang apat na taon nagpakasal muli ang kanyang ama kay Anacorita Aller.

Naging maayos ang pakikitungo ng kanilang madrasta. Bagamat mayroon na itong apat na anak. Maluwag silang tinanggap sa kanilang pamilya.

Merong silang labing pitong (17) ektarya na lupain na taniman ng niyog sa Tacloban, Leyte. Yun ang tangi nilang kabuhayan.

Isang araw nakatanggap na lang siya ng tawag mula sa probinsya sa Tacloban.

 â€œInatake daw sa puso si papa. Hindi na siya nakaligtas. Umuwi agad ako sa amin.” ani Annabelle.

Ilang araw matapos mailibing si Bonifacio Sr., kinausap umano siya ng kanyang kuya na ayusin at parte partehin na ang lupa.

“Sinabi namin yun kay mama, hinanap namin yung titulo pero nawawala na,” wika ni Anabelle.

Hindi nila malaman ang gagawin kaya’t sumangguni sila sa isang abogado. Humingi sila ng payo mula dito. Sinabihan sila na mag-‘file’ ng Loss of Title sa korte upang magkaroon ng ‘duplicate copy’ nito.

Nag-‘file’ sila sa korte. Ilang araw at ilang pagdinig ang kanilang pinagdaanan. Nanalo sila sa kaso at nagbaba ng ‘Order’ ang korte na maari na silang kumuha ng duplicate copy nito sa ‘Registry of Deeds’.

Tinungo nila ang tanggapan ngunit hindi ito naglabas ng kopya sapagkat sinurender umano sa kanila ni Anacorita ang titulo. Kasama nito ang affidavit ni Anacorita na nagsasabing iniwan sa pangangalaga niya ang titulo at hindi ito nawawala gaya ng sabi nila.

 Nakatuklas sila ng Deed of Absolute Sale mula sa ahensya. Nakasaad dun na ang lupa ay ibinibenta nilang mag-asawa kay Anacorita sa halagang walong libong piso (Php8,000.00).

Ang isa ay ibinenta  nila sa anak nitong si Eve­lyn La­barrefe sa halagang labing limang libong piso (Php15,000.00).

Nagsimulang makatanggap ng pananakot ang kanyang kuya na itigil na ang pagsaka muli sa kanilang lupain. Wala na raw silang karapatan.

Napansin nila na peke umano ang mga pirma dito dahil ang petsa na nakalagay ay March 20, 1978. Namatay daw ang kanilang ina Feb­ruary 12, 1968.

“Nakakuha kami ng pirma­ ng papa ko. Hindi din ganun yung pirma niya sa dokumento. Parang peke talaga...” ani Anabelle.

Napag-alaman nila na wala pang isang taon ay may iba ng kinakasama si Anacorita. Pinakalasan daw ito ni Anacorita taong 1997 habang buhay­ pa ang kanyang ama.

Itinampok namin sa Calvento Files, “Hustisya Para sa Lahat” DWIZ 882 khz (Lunes-Biyernes/3:00-4:00 P.M.) ang kwentong ito ni Anabelle.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, pwede magpa-‘reconstruct’ ng ‘Owner’s Duplicate Copy’, ang kaila­ngan ay gumawa ng “Affidavit of Loss”.

Gumastos pa sila ng malaki at naghintay ng matagal. Hindi naisip nila Anabelle na maari silang kumuha ng ‘second opinion’ upang may pagpipilian sila kung ano ang mas madaling paraan para ma­isagawa ito.

Gulong-gulo itong si Anabelle at hindi na niya malaman ang gagawin kaugnay nito.

Bilang tulong sa kanya ni­-refer namin siya sa tanggapan ni Administrator Atty. Eulalio­ Diaz ng Land Registration Authority (LRA).

Sa ngayon tinutulungan sila ng ‘Legal Department’ ng LRA at ni Ms. Aileen Coritana. Maari silang magsampa ng kasong sibil para sa Annulment of Sale with Reconveyance. Pwede din magsampa ng kasong kriminal para sa ‘Falsification of Public Documents’ dahil naman sa umano’y pagpeke ng pirma ng kanyang mga magulang.

(Kinalap ni Dahlia Sacapaño)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang liga magpunta lang sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City mulaLunes-Biyernes. Ang aming mga numero, 09213784392, 09198972854 (Monique) o 09213263166 (Dahlia). Ang landline 6387285 at ang 24/7 hotline 7104038.

vuukle comment

ADMINISTRATOR ATTY

AFFIDAVIT OF LOSS

ANABELLE

ANACORITA

KANYANG

NILA

SHY

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with