Lampong (412)

“F RANC ang kamay mo parang guma­gapang, hik!” sabi ni Jinky pero nakangiti.

“Hindi naman guma­gapang ah. Lashing ka na yata, Jinky baby.”

“Hindi pa ako lasing, Franc.”

Tumayo si Franc. Nagpalakad-lakad sa salas. May tinatanaw ito sa bintana. Pagkatapos ay bumalik sa kinauupuan ni Jinky.

“Inom pa tayo, Jinky,” sabi at sinalinan ang kopita ni Jinky.

“Kaunti lang Franc. Gusto­ mo yata akong la­singin eh, hik!”

“Hindi. O sabay tayo.”

Sabay silang uminom. Sabay ding naubos.

“Ang sarap ng alak ano, Jinky?”

“Oo. Teka, Franc bakit wala pa ang mga bisita mo. Tatlong oras na ako rito pero wala pa sila. Nasaan na ba sila? Hik!”

“Parating na nga ang mga ‘yun. Teka at sisilip uli ako sa labas.”

Nagtungo sa labas si Franc. Nakita niya ang mga lalaking nagkukuwentuhan sa tapat. Iyon ang mga lalaking naka­tingin kanina kay Jinky. Sila yung kung makatingin ay parang hinuhubaran si Jinky. Sinulyapan ni Franc ang mga lalaki pagkatapos ay pumasok na sa bahay at tinungo si Jinky.

“Nariyan na ba sila, Franc? Hik!” tanong ni Jinky na parang inaantok na. Parang ba­bagsak na ang mga mata.

“Wala pa, Jinky baby.”

“E sino yung maingay sa labas? Hik!”

“Ah yun ba? Yung mga hinayupak na tambay. Mga adik yun!”

“Sila ba yung nakita ko kanina na kung makatingin ay parang hinuhubaran na ako ng panty.’’

“Oo sila nga. Mga manyakis ang hinayupak na ‘yan!”

“Parang mga gutom na aso kung makatingin sa akin kanina.’’

Nakatitig si Franc kay Jinky.

“Ba’t ka nakatingin, Frank? Hik!”

“Wala.”

“Siyanga pala nasaan na ang mama mo? Hik!”

Parang nagulat si Franc. Hindi agad nakasagot.

“A e nasa ospital di ba?”

“E sino ang nagbabantay? Hik!”

“Nagbabantay?’’

“Oo di ba maysakit siya?”

“Ha  a e yung pinsan ko ang nagbabantay.’’

Maya-maya pa may ginawa si Franc. Naghuhubad ito ng damit.

“Ba’t ka naghuhubad, Franc?”

“Dapat mo pa bang itanong ‘yan?”

(Itutuloy)

Show comments