Lampong (411)

“PEKE ang gamot na ito, Pareng Dick. Puwedeng maapektuhan ang kidney mo rito.”

Kinilabutan si Dick.

“Pero pampatigas daw ‘yan Pareng Rey sabi ng Tsinoy.”

“Niloloko ka lang nun. Dapat ang titingnan mo sa lahat ng gamot na iti-take ay kung may BFAD approved­. Kung wala magduda ka. Meron ka bang nakita sa label­ nito na aprubado ng Bureau of Foods and Drugs?”

“Wala.”

“Peke ito. Gawgaw nga lang ito, Pare ko.’’

“Pero Pareng Rey, nang subukan kong inumin ang isang capsule, talagang ma­tigas na matigas si Batutoy. Kaya nga naniniwala ako na pampatigas ito.”

“Sa isip mo lang yun. Walang kakaiba sa capsule na ito. Hindi ito ang nag­bigay sa iyo ng kakaibang tigas.’’

Napakamot sa ulo si Dick. Kung ganoon ay naloko siya ni Mr. Chan. Pinamirma pa siya sa isang papel na ang one fourth ng itikan ang bayad sa mga capsules na dineliber.

“Gaano karaming capsules ang nasa iyo, Pareng Dick?”
“Marami, Pareng Rey.’’

“Itago mo lang para ebi­d­ensiya sa sinasabi mong Tsinoy. Mabubulok siya sa bilangguan dahil sa pagbebenta ng pekeng gamot.’’

Hindi makapagsalita si Dick. Parang natulala sa mga problemang hatid ng capsules.

“Relaks lang Pareng Dick. Mabuti pa mag-tig-isang bote tayong malamig na beer. Tamang-tama ang tinake-out na fried itik. Huwag mong problemahin ang tungkol sa capsule.”

“Ang problema ko Pareng Rey e yung binayad ko sa capsules e ang portion ng itikan sa probinsiya. E hindi naman akin ang itikan kundi kay misis…”

“Masosolb yan. Magpalamig muna tayo.’’

Naglabas ng beer si Rey. Inihain ang masarap na fried itik.

 

NANG mga sandaling iyon naman ay nag-iinuman sina Jinky at Franc. Nag­bukas ng alak si Franc at pinilit uminom si Jinky.

“Bakit wala pa ang mga bisita mo Franc, hik?!”

“Darating na ang mga iyon, Jinky,” sagot ng naka­ngising si Franc.

“Marami na akong na­inom, Franc, hik!”

“Ilang shot pa lang yan e. Sige pa.”

Hanggang sa gumapang ang palad ni Franc sa makikinis na hita ni Jinky.

(Itutuloy)

 

Show comments