IPINANGANAK si Stephen Lyttle noong Enero 26, 1963 sa Kempsey Hospital, Australia. Siya ang kauna-unahang sanggol sa Australia na isinilang na may timbang na 7.399 kilograms. Ang average weight ng Australian baby ay 3.37 kilograms.
Hanggang ngayon, hindi pa naaagaw kay Lyttle ang taÂguring pinakamalaki at pinaka-mabigat na baby sa Australia.
Fifty years old na si Lyttle ngayon at nakapagtatakang regular ang built ng kanyang katawan at ganoon din ang taas. Ang kanyang timbang ay 97 kilograms.
Pero sa Indonesia, mas mabigat kaysa kay Lyttle ang sanggol na isinilang doon. Ang sanggol na isinilang sa Abdul Manan General Hospital, Kisaran, Asahan regency, north Sumatra ay tumitimbang ng 8.7 kilograms. IpinaÂnganak ang sanggol noong Set. 21, 2009 sa pamamagitan ng Caesarean section.
Mabigat din ang isang sanggol na isinilang sa Brazil (8 kilograms). IpinaÂnganak sa pamamagitan ng CaeÂsarean section si Ademilton dos Santos. Siya ang itinuturing na pinakaÂmabigat na sanggol sa Brazil ayon sa Brazilian GynaeÂcological Association.