^

Punto Mo

Stephen Lyttle pinaka-malaking baby sa Australia noong 1963

- Arnel Medina - Pang-masa

IPINANGANAK si Stephen Lyttle noong Enero 26, 1963 sa Kempsey Hospital, Australia. Siya ang kauna-unahang sanggol sa Australia na isinilang na may timbang na 7.399 kilograms. Ang average weight ng Australian baby ay 3.37 kilograms.

Hanggang ngayon, hindi pa naaagaw kay Lyttle ang ta­guring pinakamalaki at pinaka-mabigat na baby sa Australia.

Fifty years old na si Lyttle ngayon at nakapagtatakang regular ang built ng kanyang katawan at ganoon din ang taas. Ang kanyang timbang ay 97 kilograms.

Pero sa Indonesia, mas mabigat kaysa kay Lyttle ang sanggol na isinilang doon. Ang sanggol na isinilang sa Abdul­ Manan General Hospital, Kisaran, Asahan regency, north Sumatra ay tumitimbang ng 8.7 kilograms. Ipina­nganak ang sanggol noong Set. 21, 2009 sa pamamagitan ng Caesarean section.

Mabigat din ang isang sanggol na isinilang sa Brazil (8 kilograms). Ipina­nganak sa pamamagitan ng Cae­sarean section si Ademilton dos Santos. Siya ang itinuturing na pinaka­mabigat na sanggol sa Brazil ayon sa Brazilian Gynae­cological Association.

ABDUL

BRAZILIAN GYNAE

IPINA

KEMPSEY HOSPITAL

LYTTLE

MANAN GENERAL HOSPITAL

SHY

SIYA

STEPHEN LYTTLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with