^

Punto Mo

EDITORYAL - Mga demonyo!

Pang-masa

SA buong buhay nila, noon lang sila nakaranas ng ganoon klaseng takot na anila’y tataglayin nila sa buong buhay nila. Kahit daw natutulog sila ay parang naririnig pa nila ang mga putok ng baril, tangke at mga pagsabog at susundan pa ng kabi-kabilang sunog. Hindi nila alam kung  saan susuling sapagkat kabi-kabila ang bugso ng bala. Sa maling kilos at pag-angat ng ulo, maaaring tamaan ng bala mula sa snipers o sa bala ng mga sundalo.

Ito ang karaniwang sinabi ng mga evacuees. Karamihan sa kanila ay puwersahang nagsilikas sa kanilang mga bahay para hindi maipit sa labanan ng mga sundalo at MNLF na naglungga sa mga barangay ng Zambonga City. Umano’y dumating ang mga MNLF sa kanilang barangay noong madaling araw ng Setyembre 9. Pinagbabasag ang mga bintana ng kanilang bahay. Ang akala ng mga residente ay isang simpleng military operations iyon. Iyon pala ay mga MNLF na. Nakubkob na ang kanilang barangay. Mga residente ang gagawin nilang panangga sakali’t lumusob ang mga tropa ng gobyerno.

Isa ang Bgy. Santa Catalina na grabeng na­kubkob ng MNLF. Dito umano naglungga ang malaking puwersa­ ng MNLF. Pinasok ang mga bahay at hinostage­ ang mga tao. Karamihan umano sa mga MNLF na kumubkob sa Sta. Catalina ay mga edad 20 hanggang 30 at mukhang mga addict. Ayon sa isang retiradong pulis na kabilang sa mga hinostage, mistulang mga demonyo ang mga taong nang-hostage sa kanila. Siya at ang tatlong anak niya ang hinostage. Wala raw respeto ang mga taong nanghostage sa kanila. Pati mga bata at matanda ay kanilang sinasaktan. Ayon pa sa pulis, noong siya ay nasa serbisyo pa, nakipaglaban na rin siya mga rebelde, pero mas matindi at hindi niya malilimutan ang ginawa ng mga demonyong lumusob sa kanilang barangay. Mabuti na lamang daw at nakatakas siya sa mga demonyong sumira sa kanilang matahimik na pamumuhay. Hindi raw niya malilimutan ang karanasang iyon.

Maraming nagka-trauma sa labanan sa Zam­boanga City. Umano’y marami sa evacuees ang hindi makausap at mayroon pang umiiyak. Mas matindi ang naranasan ng evacuees na napahiwalay sa kanyang kaanak nang magsimula ang krisis.

Ang tulong ng gobyerno sa pamamagitan ng DSWD ang kailangan ngayon. Hindi sila dapat pa­bayaan lalo ang mga bata.

vuukle comment

AYON

BGY

DITO

KANILANG

KARAMIHAN

SANTA CATALINA

UMANO

ZAMBONGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with