^

Punto Mo

Lalaki sa Sri Lanka, hiniling na ilibing siya nang buhay bilang bahagi ng exorcism, natuluyang namatay sa hukay

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG exorcist si Maxi Castro ng Pelanwatti, Sri Lanka. Marami na siyang ginawang exorcism at marami ang naniniwala sa kanya sa pagpapalayas ng demonyo.

Isang guro na nagngangalang Wasantha Bandara ang humingi ng tulong kay Maxi para mapalayas ang demonyo sa kanyang bahay. Ayon kay Wasantha, may naninirahang masamang espiritu sa kanyang bahay at gusto niya itong mapaalis. At dahil nakita na niya si Maxi kung paano nagpalayas ng masamang espiritu anim na buwan na ang nakararaan, ito ang kanyang pinuntahan para hingian ng tulong.

Madali namang nagpaunlak si Maxi at sumama sa guro. Malapit lang ang bahay ng guro sa kanyang tirahan. Nagdala ng espada si Maxi para gamitin sa exorcism.

Ayon sa guro, ininspeksiyon umano ni Maxi ang kabuuan ng bahay. Matapos iyon ay ang paligid naman ng bahay ang ininspeksiyon.

Hanggang sa i-request daw ni Maxi na gumawa nang hukay sa lupa. Nang matapos ang hukay, humiga sa gitna si Maxi habang hawak ang nakatayong espada. Bilin niya kapag gumalaw ang espada, palatandaan iyon para hukayin na siya. Sinimulang tabunan ng lupa si Maxi.

Subalit tatlong oras na ang nakalilipas ay hindi pa gumagalaw ang espada. Hanggang sa magdesisyon na ang guro at mga taong nanonood na hukayin na si Maxi.

Natagpuang walang malay si Maxi. Isinugod siya sa ospital pero patay na nang idating doon.

Iniimbestigahan ng pulisya ang pagkamatay ng exorcist. (www.unexplained-mysteries.com)

AYON

BILIN

HANGGANG

INIIMBESTIGAHAN

ISANG

ISINUGOD

MAXI

MAXI CASTRO

SRI LANKA

WASANTHA BANDARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with