MANCHINEEL TREE --- kilala rin sa tawag na “beach apple†o kaya’y “death appleâ€. Ayon sa Guinness World Record ang Manchineel ang “pinaka-mapanganib na punongkahoy sa mundoâ€. Ang kahoy ay makikita sa Caribbean at sa Gulf of Mexico.
Ang bunga ng Manchineel kapag kinain ay magdudulot ng pagkasugat ng labi at lalamunan. Maaaring ikamatay ito. Ang katawan ng puno ay maraming dagta. Kapag ang dagta ay tumilamsik o pumatak sa mga mata, maaaring mabulag. Kapag sa balat pumatak, magkakaroon ng paltos. Kapag umuulan hindi dapat sumilong sa punong ito. Ang usok ng kahoy na ito ay nakabubulag. Ginagamit ang dagta nito sa dulo ng palaso para sa hunting.
MREAH PREW PHNOM --- Ang punongkahoy na ito sa Cambodia ay walang katumbas na English name. Pero alam n’yo ba na sa kahoy na ito kinukuha ang ecstacy? Dahil sa malaking demand ng ecstacy, nanganganib nang maubos ang specie ng kahoy na ito.
Ang kahoy na ito ay may safrole oil. Ang ingredient na ito ang ginagamit sa paggawa ng ecstacy. NapakaÂdelikado ng proseso sa pag-extract ng oil sa kahoy na ito sapagkat nag-eexplode. Kinukuha ang oil sa ugat.