^

Punto Mo

Southern Mindanao adventure

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

KUNG noong mga nakaraang buwan ay panay sa norte ang aking adventures, nitong nagdaang weekend naman ay sa Southern Mindanao ako namalagi, partikular na sa Gensan at Polomolok, Cotabato.

Unang beses kong bumisita sa Gensan at nataon namang Tuna Festival nila. Pangarap kong makapunta doon dahil mahilig ako sa Tuna. Paglapag pa lang namin ay nakiusyoso kaagad ako sa fish port. Hindi ko nakita ang mismong pagbagsak ng mga bagong hangong isda dahil alas kuwatro ng umaga pala iyon nagaganap. Ngunit walang tigil naman ang trabaho ng mga tao roon dahil sa pagkakatay, pag-eempake at pagkakarga ng mga tuna na iniaangkat sa mga karatig bayan, Maynila at maging ibang bansa. Nakakagulat ang murang halaga ng mga sariwang tuna na pagkahiwa ay diretso sa lalagyan at vacuum sealed ang mga ito upang magarantiya ang freshness. At sariwa talaga! Dahil ang mga inuwi kong tuna ay walang kalansa-lansa! Nais kong pasalamatan si Madam Cecile ng Noecil, isa sa mga pinaka-malilinis na tindahan ng sariwang tuna sa Gensan Fish Port.                     

Matapos ang Gensan ay nagtungo naman kami sa Polomolok, South Cotabato. Thirty minutes drive lang mula sa Gensan para sa pagdiriwang ng kanilang F’’lomlok Festival. Ang ibig sabihin ng “Polomolok” ay Hunting Ground dahil sa sinaunang kabuhayan ng mga tribo roon- ang pangangaso. Nakipiyesta ang mga Kapusong sila Gladys Guevarra, Ryza Cenon at Rodjun Cruz pati na rin ang cast members ng AnnaKareNina. Espesyal ang gabing iyon para sa mga taga-Polomolok dahil unang beses ng GMA 7 na makipagdiwang sa kanila.

 Kinabukasan ay sa Lake Sebu naman ako partikular na naglibot bilang Travel Buddy ni Kuya John Feir sa programang Let’s Fiesta. Pinuntahan namin ang tanyag na 7 Falls ga Lake Sebu, binisita ang Dolores Lake Resort at doon tumikim ng iba’t ibang luto ng Tilapia, nag-zipline sa pinakamataas na Zipline sa buong Southeast Asia at huli ay pinuntahan ang weaving center ng mga T’boli tribe upang makapanayam ang 1998 National Living Treasure, the Dream Weaver herself, Be Lang Dulay. Ang kumpletong detalye ng aking Lake Sebu Adventure mababasa ninyo sa Biyernes!

BE LANG DULAY

DOLORES LAKE RESORT

DREAM WEAVER

GENSAN

GENSAN FISH PORT

LAKE SEBU

POLOMOLOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with