Mga Lasenggong Manunulat
Bukod kay Ernest Hemmingway ay narito pa ang mga sikat na manunulat na natuklasang naging mga alcoholic noong panahon ng kanilang kasikatan sa pagsusulat:
Tennessee Williams (1911-1983)
Sikat na Amerikanong manunulat ng dula. Ang pinakasikat na dulang kanyang sinulat ay ang The Glass Menagerie. May kapatid siyang babae na may schizophrenia. Nang hindi makuha sa therapy ay ipinaopera ng kanyang mga magulang ang utak ni Rose pero nagresulta lang ito ng paralysis. Awang-awa si William sa kapatid. Dito nagsimulang uminom ng alak si William. Bukod sa pagiging alcoholic ay naging drug addict siya. Lalo pang nagulo ang kanyang buhay nang mabisto ng media na siya ay isang bakla na nang magtagal ay inamin din niya sa telebisyon.
Ang mga trahedyang naranasan niya, kasama na ang panloloko ng mga lalaking nakarelasyon niya ang naging dahilan ng kanyang nervous breakdown. Ipinasok siya ng kapatid sa psychiatric ward noong 1969. Namatay si William noong 1983 matapos aksidenteng malunok ang takip ng eyedrop. Pero pinabulaanan ito ng mga pulis at sinabing ang ikinamatay ni William ay drugs.
Edgar Allan Poe (1809-1849)
Isa siyang Amerikanong manunulat ng tula, maikling kuwento, literary critic at editor ng diyaryo at periodicals. Isa sa mga naging sikat niyang tula ay ang The Raven. Walang sinabing dahilan kung bakit siya naging alcoholic sa kanyang mga talambuhay. Basta’t may isang pangyayari na nahuli siya ng kanyang boss na umiinom ng alak sa oras ng trabaho kaya’t sinibak din siya nang oras na iyon.
Noong October 3, 1849, may isang lalaki ang natagpuan na nakahandusay at nagdedeliryo sa kalye ng Baltimore. Nang malaon ay nakilala ang lalaki na si Edgar Allan Poe. Walang makapagsabi kung bakit siya natagpuan sa ganoong kalagayan. Pagkaraan ng apat na araw matapos isugod sa ospital ay namatay siya. Ang sabi ng doktor na tumingin sa kanya—cerebral inflammation dulot ng alcoholism ang sanhi ng kamatayan niya.
“A man who drinks too much on occasion is still the same man as he was sober. An alcoholic, a real alcoholic, is not the same man at all. You can’t predict anything about him for sure except that he will be someone you never met before.†— Raymond Chandler
- Latest