SI Michael Clark, 42, at kapatid niyang si Matthew, 39, ay kapwa normal na namumuhay noon. Kapwa sila may magandang trabaho. Si Michael ay isang serviceman (gunner sa Royal Air Force) at si Matthew ay empleado naman sa isang kompanya. Binata si Michael samantalang may asawa na si Matthew at may isang anak.
Hanggang sa dumating ang sandaling iyon na maski ang pamilya nina Michael at Matthew ay hindi makapaniwala. Na-diagnosed ang dalawa na may terminal leukodystrophy. Ang leukodystrophy ay isang neurological disease kung saan bumabalik sa pagiging isip-bata ang pasyente.
Nagsimula ang pagiging isip-bata ng dalawa noong 2007. Nagbitiw si Michael sa RAF at mag-isang nanirahan sa isang flat. Dating kasama niya ang mga magulang pero nagretire na ang mga ito ay nagbalik sa Spain.
Lumala ang sakit ni Michael nang mapaalis ito sa tinitirahang flat at mula noon ay natulog kung saan-saan lang. Nagkasakit ito. Tinulungan siya ng Salvation Army at dinala sa doctor.
Ang kapatid naman na si Matthew ay nakitaan na rin ng mga sintomas ng leukodystrophy. Ayon sa asawa at anak, nag-iisip-bata ito. Hanggang sa mawalan na ng trabaho.
NagÂÂsama sa tirahan ang magkapatid. Buong araw ay wala silang ginagawa kundi ang manood ng The Smurfs at kumain ng sitsirya.
Ang leukodystrophy ay ka raniwang tumatama sa mga bagong silang na sanggol subalit sa kasalukuyan, tumatama na rin sa may 100 adults sa Britain. Ang utak, nervous system, at spinal cord ang apektado ng sakit.