“BASTA iti-text ko sa iyo kung saan gagawin ang celebration, Jinky,†sabi ni Franc.
“Hindi ba rito sa bahay n’yo?â€
“Gusto ko sana rito pero baka walang makarating.’’
“Marami ka bang iimbitahan, Franc?â€
“Konti lang. Pero ang pinaka-special doon ay walang iba kundi… ikaw!â€
Nagtawa si Jinky.
“Binobola mo naman ako, Franc. Ngayon lang tayo nagkita ay marami na akong narinig na pambobola.’’
“Hindi ako nambobola, Jinky. Lahat nang lumalabas sa bibig ko ay totoo. Ikaw ang special na bisita ko sa aking birthday.’’
“Sige kung yan ang gus-to mo.â€
“Hindi magiging masa-ya ang birthday ko kung wala ka, Jinky.’’
“Okey darating ako. E teka ano ba ang gusto mong regalo, Franc.’’
“Kahit wala nang regalo, Jinky basta’t ang mahalaga ay naroon ka.’’
“Okey, confirmed. Basta mag-iisip ako nang magandang regalo sa’yo Franc.’’
“A mayroon nga pala akong itatanong sa’yo Jinky.â€
“Ano yun?â€
“Married ka na ba o single?â€
Natigilan si Jinky. Ano ba ang isasagot niya? Tinanong din siya ni Patrick (kapatid ni Franc) kung may-asawa na. At ang sabi niya ay single.
“Pero kahit ’di mo na ako sagutin, Jinky, alam ko single ka. Di ba Jinky?â€
Tumango si Jinky. Ano ba kung magsinungaling siya.
“Tamang-tama!†sabi ni Franc.
“Anong tamang-tama?â€
“Tamang-tama na dalaga ka at binata naman ako.’’
Napangiti si Jinky.
Tumayo na si Jinky.
“Magpapaalam na talaga ako, Franc.â€
“Sige Jinky. Text kita palagi.’’
“Okey.â€
Humakbang na si Jinky palabas. Inihatid siya ni Franc sa labas. Hanggang gate.
“Bye, Franc.â€
“Bye, Jinky.â€
Lumabas na si Jinky. Nang lumingon siya nakatingin pa si Franc.
(Itutuloy)