LUBHANG kakaiba ang sakit na dinaranas ni Lizzie Velasquez, 21, ng Austin, Texas. Sa kabila na 60 beses siya kumakain sa araw-araw, nananatili pa rin siyang payat. Halos wala nang laman ang kanyang pisngi at braso sa kabila na kumakain siya nang madalas.
Kung ang iba ay iniiwasan ang pagkain para hindi tumaba, si Lizzie ay kailangang kumain nang kumain para manaÂtiling buhay. Kapag hindi siya kumain nang madalas, maaari siyang mamatay.
Kumakain ng 60 beses sa isang araw si Lizzie at kumukunsumo ng 5,000 hanggang 8,000 calories araw-araw. Pero sa kabila nang madalas na pagkain, payat pa rin siya.
Si Lizzie ay isa sa tatlong tao sa mundo na may kakaibang sakit. Sabi ni Professor Garg, ang sakit ay tinatawag na Neonatal Progeroid Syndrome (NPS). Isa itong kondisyon na patuloy ang pagkawala ng taba sa katawan lalo na sa pisngi. Bukod sa pagkawala ng taba, patuloy din ang pagtanda ng tissue. Hindi naman sinabi kung mayroon pang lunas sa NPS.
Babae, baliktad kung magbasa ng diyaryo at manood ng tv
KAKAIBA ang sakit na dinaranas ni Bojana Danilovic --- lahat nang kanyang nakikita ay baliktad. Kapag nagbabasa siya ng diyaryo ay baliktad at kapag nanonood ng TV ay baliktad din. Lahat nang nakikita niya ay upside down.
Si Bojana, 28, taga-Serbia ay may neurological syndrome na tinatawag na Spatial Orientation Phenomenon. Sinabi ng mga eksperto sa Harvard University and the Massachusetts Institute of Technology mabibilang lang ang mga taong may ganitong kondisyon.
Sa kabila ng kondisyon ni Bojama, nagtatrabaho siyang empleado sa isang tanggapan ng gobyerno. May sarili siyang computer sa office at baliktad ang monitor niyon. Sa kanilang bahay, may sarili siyang TV at baliktad din iyon.