Dear apo,
Hindi ko maiwasang mag-isip sa mga nangyayari sa ating mundo. Ang dami nang pagbabago. Noong araw kasi apo, simple lang ang buhay.
Ang APPLE at BLACKBERRY ay pangalan lang ng prutas.
Kapag sinabing YAHOO, iyon ay ekspresyon lang ng taong natutuwa.
Walang FACEBOOK, beautiful faces lang; o kaya’y may book pero walang face.
Kapag sinabing tweet, walang kinalaman iyon sa TWITTER. Ang tweet ay huni lang ng ibon.
Mayroon nang phone, pero wala pang CELL PHONE. Maririnig lang ang salitang cell kapag science ang pinag-uusapan.
Wala pa noong iPad, pero sinasalita na ang my pad or my pad paper.
Ang tablet ay bilog na gamot, pero bakit ngayon, ang tinatawag na TABLET ay rectangle na parang maliit na TV.
May naririnig pa akong BLUETOOTH, bakit, uso na ba ngayon ang pagpapakulay ng ngipin?
Noon kapag sinabing ACCOUNT, bank account lang. Pero ngayon, tweeter account, Facebook account.
O, sige apo, kinukuha na nitong kaibigan kong senior citizen ang hiniram kong CHROMEBOOK niya. Mabait siya, tinuruan niya akong mag-e-mail. Iyon ang dahilan kung bakit itinanong ko sa iyo ang e-mail address mo noon tumawag ako sa land line ninyo. Kapag naibili na ako ng iyong daddy ng iPhone 5, tuturuan daw niya ako kung paano gumamit ng KAKAO TALK or VIBER para libre. Basta’t ang bilin ko lang sa inyo, anumang pagbabago ang mangyari sa mundong ito, gamitin pa rin natin ang pinakasimple at pinakaepektibong paraan ng komunikasyon — PRAYER.