ISANG umaga ay kinausap ng Emperor ang kanyang masipag at matapat na alalay. Nais nitong suklian ng regalo ang matapat na pagsisilbi ng kanyang alalay. Binigyan ng Emperor ang alalay ng isang kabayo na may kasamang instruction: “Sumakay ka diyan sa aking kabayo at puntahan mo ang aking mga lupain. Ibibigay ko sa iyo ang bawat lupang madaanan mo sa loob ng maghapon. Malalaman ko ang mga lugar na nadaanan mo sa pamamagitan ng bakas ng paa ng kabayo. Espesyal ang bakal na inilagay ko sa paa ng kabayo.â€
Umalis ang alalay na sobrang excited kaya walang humpay na pinatakbo niya ang kabayo para makarami ng lupang aangkinin niya. Hindi niya inintindi ang gutom at uhaw na naramÂdaman sa buong maghapon. Ang mahalaga ay marami pa siyang marating na lupain ng Emperor. Habang lumilipas ang mga oras ay naramdaman ng alalay na nanghihina na siya. Nakalimutan niyang magbaon at uminom ng halamang gamot para sa kanyang sakit sa puso. Noong una ay hindi niya pinapansin ang pagsakit ng kanyang dibdib. Ngunit tumitindi ang kirot habang tumatagal. Walang anu-ano ay nahulog siya sa kabayo. Walang nagawa ang kabayo kundi tumingin sa kanya. Habang naghihingalo ay naisip niyang naghangad siya ng maraming lupain ngunit kapirasong lupa lang pala ang magagamit niya para paglibingan ng kanyang bangkay. Sana ay nag-ingat siya. Nagbaon sana siya ng gamot, kumain nang maayos at inihanda ang katawan bago sumabak sa hamon na ibinigay ng Emperor. Aanhin niya ang mga lupaing ibibigay sa kanya kung sa sandaling iyon ay unti-unti na niyang pinipikit ang kanyang mga mata… at hindi na maimumulat magpakailanman.
Ang istorya ng alalay ay maihahalintulad sa buhay ng mga professionals sa kasalukuyan. Sa sobrang kaabalahan sa paghaÂhanap ng maraming pera, power and recognition, ay nakalimutan nang pangalagaan ang kanilang sarili. Marami diyan ang bigla na lang nagising na paralisado na ang kanilang katawan o kaya ay wala nang realization na nangyari dahil sumakabilang buhay na.
Live a balanced lifestyle, physically, mentally and spiritually. Enjoy life!