^

Punto Mo

EDITORYAL - Protektahan ang ‘whistle blowers’

Pang-masa

PARAMI nang parami ang “whistle blowers’’ na lumulutang at nagpapatotoo sa mga ginawa ni Janet­ Lim-Napoles, ang umano’y “utak” ng P10 bilyon pork barrel scam. Kahapon, may lumutang na namang “whistle blower” at sinabing ginawa siyang presidente ng isang foundation ni Napoles. Ang “whistle blower” ay isang maid sa Hong Kong. Umuwi siya para lamang tumestigo sa mga ginawa ni Napoles. Nakahanda umano siyang isiwalat ang lahat nang nalalaman ukol kay Napoles.

Umabot na umano sa 10 ang “whistle blowers” ni Napoles­ at mayroon pa umanong lulutang para idiin ang negosyante. Unang lumutang si Benhur Luy, empleado­ ni Napoles. Umano’y pinigil si Luy sa bahay ni Napoles, dahilan para magsampa ito ng illegal de­tention. Ni-rescue ng NBI si Luy at mula noon, isiniwalat na nito ang maraming bank account ni Napoles na pinagdedeposituhan ng mga pondong nakukuha sa pork barrel ng mga mambabatas. Nang sumuko si Napoles kay President Aquino noong nakaraang linggo, nabuhayan ng loob ang mga “whistle blower” sapagkat makakasuhan na ng plunder ang negosyante.

Pero sabi ng ilang tao na naging “whistle blower” din, maaaring mawalan ng saysay ang paglantad ng mga “whistle blower” ni Napoles sapagkat hindi sila ga­anong binibigyan ng proteksiyon ng gobyerno. Mawawalan daw ng interes ang mga “whistle blower” sa kaso ni Napoles­ at tiyak na malilimutan na ito.

Inihalimbawa ang nangyari sa “whistle blower” ni dating Agriculture Undersecretary Jocjoc Bolante na ngayon ay hindi na raw nakatatanggap ng tulong mula sa gobyerno. May sakit sa kasalukuyan ang “whistle blower” at umaasa sa ibinibigay na financial support ng gobyerno pero tila itinigil na umano.

Nasa kamay ng “whistle blowers” ang ikatatagum­pay ng kaso kaya nararapat na bigyan sila ng sapat na tulong. Kailangan nila ng proteksiyon. Huwag ha­yaang mawala ang mga “whistle blower” lalo na ang mga nagnguso kay Napoles.

vuukle comment

AGRICULTURE UNDERSECRETARY JOCJOC BOLANTE

BENHUR LUY

BLOWER

HONG KONG

LUY

NAPOLES

SHY

WHISTLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with