^

Punto Mo

Binira ang kapatid Bored lang si Gretchen kaya siya nakikisawsaw sa legal battle! - Claudine

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Muling nagkita ang mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago sa Marikina Regional Trial Court kaugnay pa rin sa Permanent Protection Order (PPO) na isinampa ng aktres laban sa aktor. At ayon pa kay Claudine, magpo-focus na lang daw si Claudine sa kanyang “court battle” kaysa pagtuunan pa raw ng pansin ang mga nagpapagulo sa kanilang sigalot ng kanyang estranged husband na si Raymart.

Pero sa usapin naman tungkol sa sinabi ng kapatid na si Gretchen Barretto na gusto niyang mapunta kay Raymart ang kustodiya ng mga anak nila, sabi ni Claudine, “No comment... ayoko siyang patulan.”

Nitong mga nakaraang araw, inakusahan din ni Gretchen ang nakababata nitong kapatid na si Claudine na isa ito diumano sa namba-bash sa kanya sa Instagram.

Sabi pa ni Claudine sa interview niya sa ABS-CBN. “Hay naku, hindi. Hindi talaga. Alam mo, I don’t really care.”

Nagpaabot pa ng mensahe ang aktres sa mga diumano’y nakikisawsaw sa kanyang legal battle habang binibigyan naman niya ng halaga ang mga sumusuporta sa kanya.

 â€œAng importante naman diyan yung mga taong nagmamahal sa akin.

“Pabayaan na natin yung mga taong gusto manggulo kasi bored ‘yan sa buhay.

“Ang mas maganda na lang, magdasal tayo.

“Mas maganda, mag-feeding program na lang, mag-charity work, kasi kakatapos lang ng bagyo, di ba?

“Magpasalamat na lang tayo na hindi binabagyo ang mga buhay nila.

“Kung wala rin namang maitutulong, huwag na lang sana makikialam.”

                                                                             

 

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

GRETCHEN BARRETTO

MARIKINA REGIONAL TRIAL COURT

PERMANENT PROTECTION ORDER

RAYMART

RAYMART SANTIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with