Naging mainit pa rin ang pagtanggap sa international recording artist na si Charice Pempengco nang maimbitahan siya para umawit ng US national anthem sa opening ng Major League Baseball Civil Rights game noong nakaraang August 24 in Chicago, Illinois, USA.
Bagama’t marami ang nagulat sa bagong hitsura ni Charice, hindi iyon nakapagbago sa paghanga nila sa magandang pag-awit nito ng US national anthem na Star Spangled Banner.
Mapapanood na sa YouTube ang performance na ito ni Charice.
Ito ang ikatlong beses na inawit ni Charice ang Star Spangled Banner sa isang sporting event.
Una niyang inawit ito noong 2009 sa labanan ng LA Dodgers at San Francisco Giants.
Pangalawang beses naman ay noong 2011 sa laban naman ng Jacksonville Jaguars at Tennessee Titans.
Bukod sa pag-awit nga ni Charice sa opening ng MLB Civil Rights, nag-perform din siya sa MLB Beacon Awards na ginanap sa Chicago Marriott Downtown Magnificent Mile Hotel kung saan inawit niya ang A Change is Gonna Come bilang tribute sa Queen of Soul na si Aretha Franklin at sa All-Star athlete na si Bo Jackson.
Past receipients ng MLB Beacon Awards ay sila Frank Robinson, Hank Aaron, Willie Mays, and Ernie Banks na nasa Hall of Fame na.
Natanggap din ang award na ito nila Muhammad Ali, Harry Belafonte, Bill Crosby, at Morgan Freeman dahil sa kanilang humanitarian works.
Ito ang simula ng ilang mga pagbiyahe ulit ni Charice pagkatapos ng kanyang revelation na siya ay isang “lesbianâ€.
Naisadula pa nga sa drama anthology ng GMA 7 na Magpakailanman ang kanyang paglahad ng kanyang tunay na pagkatao sa kanyang pamilya at sa publiko.
Bago nga lumipad si Charice patungong US, nasabi niya sa isang interview na excited siya sa kanyang dadaluhang event dahil iyon nga ang first time na makikita siya na iba na ang hitsura niya.
Kris matutuloyna sa Prinsesa…
Si Renz Fernandez ang magiging ka-love triangle nila Kris Bernal at Aljur Abrenica sa sisimula na nilang primetime teleserye na Prinsesa ng Masa.
Nagkaroon na ng story conference ang naturang teleserye ng loveteam nila Kris at Aljur at pareho nga silang excited na masama ulit. Huling nagtambal ang dalawa ay sa Coffee Prince noong 2012.
Ang Coffee Prince ang pinakahuling teleserye na nagawa ni Kris kaya happy ito na natuloy na ang Prinsesa ng Masa. Si Aljur naman ay huling napanood sa epicserye na Indio.
Magkasama naman ang dalawa tuwing Linggo sa Sunday All Stars kung saan magka-team sila sa Ligang iLike.
Ang Prinsesa ng Masa ang unang project ni Renz Fernandez sa GMA-7. Nagsimula ito sa ABS-CBN 2 noong 2011 at ginawa niya ang mga projects na Wansapanataym, Your Song at The Little Champ. Hindi lang namin alam kung nakakontrata pa siya sa Star Magic.
Madonna pinaka-malaki ang kinita noong 2012
Si Madonna ang world’s top-earning celebrity ayon sa Forbes list. Kumita nga ng higit sa $125 million noong 2012 ang 55-year old singer.
Malaking part no’n ay kinita ng kanyang concert tour na may estimate gross na $305 million.
Kasama pa sa malaking kita ni Madonna ay galing sa kanyang clothing line, signature fragrances, at kung anu-anong pang investments.
Pumapangalawa naman ang film director/producer na si Steven Spielberg na may kita na $100 million last year dahil naging hit ang huling pelikula niya na Lincoln at ang patuloy na pagkita ng kanyang mga pelikulang ET at Jurassic Park dahil sa video rights nito.
Sa third spot ay three-way-tie sila E.L. James, ang author ng best-selling novel na 50 Shades of Grey; radio shock jock Howard Stern; at music and TV producer Simon Cowell. Kumita silang tatlo ng tig-$95 million.
Kasama rin sa Top 10 ay ang TV host na si Glen Beck, film director Michael Bay, thriller novelist James Patterson and Queen of Talk and philanthropist Oprah Winfrey.