Sinasabi ng starlet na si Krista Miller na gusto niyang makausap si Sunshine Cruz para linisin naman ang kanyang pangalan dahil sa bintang noon na nagkaroon siya ng affair kay Cesar Montano. Actually ang sinasabing affair nila ni Cesar ang siyang naging dahilan ng pag-alis ni Sunshine sa kanilang bahay, ang tuluyang paghihiwalay ng mag-asawa at ang demandahan pa nila ngayon. Doon lang nagsimula iyon, sa usapang may affair si Cesar diyan kay Krista Miller.
Marami namang tsismis tungkol diyan kay Krista. Hindi ba noon ngang makasama siya sa isang reality program nagkaroon din ng tsismis sa kanya na naging dahilan din ng samaan nila ng loob ng ilang kasama niya.
Matagal nang sinasabi niyang si Krista na gusto niyang makausap si Sunshine, but it seems ayaw namang makipag-usap sa kanya ng aktres. May sinasabi pa nga kasing maski na ang kanilang mga anak ay may nakitang pagpapalitan ng text messages nina Cesar at Krista, at siguro nga para kay Sunshine, iyon ang kumpirmasyong hindi natapos doon sa ginawa nilang pelikula ang kanilang relasyon.
Isipin mo nga, sino bang starlet ang napag-usapan nang ganyan katindi? Kung hindi siya nahalo sa ganyang kontrobersiya, sino ba ang makakakilala diyan kay Krista Miller? At saka marami namang ganyan ang hitsura na nagkalat din sa showbusiness.
Iyon nga lang, talagang nagiging negative ang kanyang dating, at siyempre habang ganoon ang sitwasyon, walang magbibigay sa kanya ng malaking break.
Jennylyn nagsalita na naman sa hinihinging suporta kay Patrick
Nag-deny na si Jennelyn Mercado sa mga tsismis na humihingi siya ng suporta para sa kanyang anak na si Alex Jazz sa kanyang ex boyfriend na si Patrick Garcia. Hindi raw totoo ang sinasabing kaya ayaw niyang ipakita ang bata kay Patrick ay dahil hindi maibigay ang hinihingi niyang sustentong 50 libong piso sa isang buwan.
Sinabi pa ni Jennylyn, madali naman daw siyang kausap eh, at kaya naman niyang suportahan ang kanyang anak kaya bakit pa ba siya manghihingi?
Hindi nga siya diretsahang nanghihingi, pero sa mga nakaraan niyang statements, maliwanag na galit din naman siya kay Patrick dahil sa pagpalya nito sa pagbibigay ng sustento sa kanilang anak. SiÂguro nga lalo na ngayon na may panibago na namang anak si Patrick sa kanyang girlfriend na hindi man niya pinakasalan, pinakisamahan naman niya. Hindi nga kagaya ng sitwasyon ni Jennelyn noon na nang mabuntis, naiwang mag-isa.
Male starlet na may GF, nakikipag-negotiate sa iba
Suwerte na rin ang isang male starlet. May nakilala siyang isang mayamang girl na naging girlfriend niya at ngayon ay siya pang nagbibigay ng suporta sa kanya. Ipinagtayo pa siya ng girl ng negosyo, dahil ayaw namang masabi ng pamilya niya na walang kuwenta ang kanyang boyfriend. Kung hindi nakakita ng ganyan ang male starlet, siguro hindi siya makakakawala sa dati niyang “sidelineâ€. Kaso mukhang pinag-uusapan naman siya ngayon ng mga dati niyang “client†simula nang tumanggi na siyang makipag-date sa kanila. Papaano kaya kung malaman iyon ng girlfriend?