Aktor nagka-amnesia, kumupkop na pamilya sa Amerika hindi na maalala

Minsan nakitira ang macho actor sa isang Pinoy family in the States. Malaki ang natipid niya sa hotel bills at madalas pa siyang nakikain sa tinuluyang bahay.

Nang bumalik sa dating lugar, kasama na sa isang roadshow ang artista at lover na ng isang rich gay. Nakalimutan na niya pati pangalan ng tinuluyan noon. Siyempre alam ng Pinoy community doon, na nandoon siya, kasama ang ibang artista. Hindi man lang nakaalalang dumalaw sa nagmagandang loob sa kanya.

Well, ganyan talaga ang ibang tao kapag mara­ming datrills at sikat na. Naiiba na ang sense of va­lues.

Megan Young pressured na manalo

Lalong nag-deny si Megan Young na boyfriend niya si Mikael Daez nang magwaging Miss World Philippines. Paano na kaya kung maiuwi niya ang Miss World crown sa labanan in Indonesia?

Obvious na pressured siya sa expectations ng contest organizer dito at ng buong Pilipinas, upang mapanalunan ang first Miss World title para sa bansa. ‘‘Baka mabaliw ako kung iisipin ko palagi,’’ say ni Megan. Kung sobrang bigat ng korona para sa ’yo, gibsung mo na lang kaya sa iba.

Shooting ng movie ni Robin nagkaroon ng engkuwentro

Ayon sa salaysay ni Joey Sarmiento tungkol sa pambubugbog sa kanya sa Arce compound at Selecta drive, Quezon City last Saturday, binantaan pa siya ni Neil Arce upang matakot na sabihin sa iba ang nangyari sa shooting ng 10,000 Hours na bida si Robin Padilla.

Ilang libong oras naman kaya bago makamtan ni Sarmiento ang kataru­ngan? Mahirap kasi sa isang kaso kapag wala kang testigo. Mapatunayan kaya ng medico legal result ang totoo, na hindi self-inflicted ang mga bakas ng pana­nakit sa kanya?

Malamang maayos din sa mabuting usapan ang lahat bago makarating sa korte.

Ynez kinaiinggitan, P12M ang nabiling bahay

Umandar ang wild imagination sa utak ng maraming tao, nang malaman na P12 million ang halaga ng house & lot ni Ynez Veneracion. Una, matagal na sa showbiz ang singer/actress at baka marami siyang naipon, kaya nakapagpundar. Meron pa siyang mga long-playing albums na maaring multi-platinum, kaya milyones ang kinita niyang royalty.

Siyempre, don’t forget na very rich ang kanyang boyfriend na baka very generous na nagregalo sa kanya ng property.

Sabi nga ni Ynez, ‘‘wala akong magagawa kung naiinggit sila.’’

Panlaban ng bansa sa Supranational Philippines kailangan ng boto

Nasa Belarus ang Miss Supranational Philippines na si Mut­ya Datul upang lumaban sa mga lahok ng 90 countries in the Miss Supranational pageant. Last year, third runner-up ang ating pinadalang si Elaine Kay Mool. Wala pang Pinay na nagwagi ng title of the five-year-old beauty contest, based in Europe.

Sa Poland ginanap ang unang apat na taon ng timpalak.

Puwede tayong bumoto for Mutya sa www.missupranational.com. Ang sampung boto ay US$5 dollars. Kung marami kayong pera, puwede kahit magpadala ng million votes. Sa Sept. 6 matatapos ang botohan.

Jericho nagwagi na namang Best Actor sa California

Nagwagi ng best narrative award sa Thridworld Independent Film Festival sa San Jose, California ang Alagwa na bida si Jericho Rosales at Bugoy Cariño. The same role gave Echo the Urian Best Actor trophy and outstanding achievement in acting at the Newport Filmfest; while Bugoy was chosen best child actor at the Asean International filmfest.

Ang Alagwa ang closing film sa Guam International filmfest on Sept. 29.

 

Show comments