Myth : Ang semen ay low carbohydrates.
Katotohanan: Ang semen ay fructose (fruit sugar) at enzymes.
Myth: Nakakamatay ng sperm ang pagtatalik sa swimming pool o hot tub kaya mabisa itong birth control.
Katotohanan: Totoong nakakamatay ng sperm cells pero hindi pa rin epektibong paraan ng birth control dahil hindi ka makakaseguro na ang lahat ng sperm cells ay namatay. What if… may buhay na makalusot?
Myth: Nakakalakas ng libido ang pagkain ng oyster.
Katotohanan: Walang scientific evidence na nagpapatunay na ang oyster ay nakakapagpalakas ng libido.
Myth: Ang green M&M’s chocolate ay nakakalakas ng libido.
Katotohanan: Kagaya sa oyster myth, kalokohan lang ‘yun.
Myth: Nagpapantasya ng sex ang mga lalaki every 7 seconds.
Katotohanan: Hindi lahat. Mga 23 percent lang ayon sa survey na ginawa.
Myth: Hindi dapat makipag-sex ilang oras bago maglaro ang isang atleta dahil nakaka-stress ito at makakasira sa kanilang performance.
Katotohanan: Gumawa ng pag-aaral ang mga Swiss researchers. Hinati sa 2 grupo ang mga tao na dadaan sa stress test pagkatapos makipag-sex sa kanilang asawa —1) unang grupo ay magi-stress test 2 oras pagkatapos makipag-sex. 2) pangalawang grupo ay magi-stress test 10 oras pagkatapos makipag sex.
Ang resulta: May kaunting pagod at stress na nakita sa unang grupo. Sa paÂngalawang grupo, nakita ng mga researchers na sila ay “fully recovered†at relaks na relaks. Walang palatandaan na sila ay na-stress. Kaya ang kanilang konklusÂyon, puwedeng makipagtalik ang isang atleta sampung oras bago maglaro.