SI Melanie Martinez ng Louisiana, ang itinuturing na pinaka-malas na babae sa America. Limang beses siyang tinamaan ng hurricanes. Kung dito sa Pilipinas ay typhoon (bagyo) ang tawag sa America naman ay hurricanes. Pero mas malakas at mabilis ang hurricanes. Ang hangin ng hurricanes ay umiikot paloob at palabas sa bilis na 75 hanggang 200 mph. Kadalasang namumuo ang hurricanes sa open ocean at tumatagal nang isang linggo ang hurricanes.
Malalakas ang hurricanes na tumama kay Melanie na naging dahilan para mawasak ang kanyang bahay. Unang hurricane na tumama kay Melanie ay ang Betsy (1965), Juan (1985), George (1998), at Katrina (2005). Subalit sa kabila nito hindi pa rin siya umaalis sa Louisiana. “Ipinanganak ako rito at ito ang aking tahanan,†sabi ni Melanie.
Dahil sa pagkawasak ng kanyang bahay dulot ng hurricane Katrina, na-touched ang A&E reality show Hideous Houses at napili ang kanyang bahay para i-makeover sa halagang $20,000 noong 2012. Tuwang-tuwa si Melanie. Masuwerte pa rin siya.
Subalit ilang buwan matapos ang makeover sa bahay, isang hurricane na pinangalangang Isaac ang nanalasa at sinira ang kanyang bagong bahay.
Talagang pinaka-malas na babae sa America si Melanie.