^

Punto Mo

Mga taong nagkasunud-sunod ang kamalasan (2)

- Arnel Medina - Pang-masa

SI Melanie Martinez ng Louisiana, ang itinuturing na pinaka-malas na babae sa America. Limang beses siyang tinamaan ng hurricanes. Kung dito sa Pilipinas ay typhoon (bagyo) ang tawag sa America naman ay hurricanes. Pero mas malakas at mabilis ang hurricanes. Ang hangin ng hurricanes ay umiikot paloob at palabas sa bilis na 75 hanggang 200 mph. Kadalasang namumuo ang hurricanes sa open ocean at tumatagal nang isang linggo ang hurricanes.

Malalakas ang hurricanes na tumama kay Melanie na naging dahilan para mawasak ang kanyang bahay. Unang hurricane na tumama kay Melanie ay ang Betsy (1965), Juan (1985), George (1998), at Katrina (2005). Subalit sa kabila nito hindi pa rin siya umaalis sa Louisiana. “Ipinanganak ako rito at ito ang aking tahanan,” sabi ni Melanie.

Dahil sa pagkawasak ng kanyang bahay dulot ng hurricane Katrina, na-touched ang A&E reality show Hideous Houses at napili ang kanyang bahay para i-makeover sa halagang $20,000 noong 2012. Tuwang-tuwa si Melanie. Masuwerte pa rin siya.

Subalit ilang buwan matapos ang makeover sa bahay, isang hurricane na pinangalangang Isaac ang nanalasa at sinira ang kanyang bagong bahay.

Talagang pinaka-malas na babae sa America si Melanie.

BETSY

DAHIL

HIDEOUS HOUSES

HURRICANES

IPINANGANAK

KADALASANG

LIMANG

MALALAKAS

MELANIE

SUBALIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with