^

Punto Mo

Mga taong nagkasunud-sunod ang kamalasan (1)

- Arnel Medina - Pang-masa

NOONG Agosto 6, 1945, nagmamadali si Tsutomo Yamaguchi patungo sa train station para umuwi na sa Nagasaki. Nagtungo siya sa main office ng kanyang kompanyang pinagtatrabahuhan, ang Mitsubishi Heavy­ Industries sa Hiro­shima sa utos ng manager niya sa Nagasaki.

Subalit nang nasa station na, mayroon siyang nakali­mutan – ang kanyang “hanko” --- iyon ay stamp o permit para sa kanyang pagta-tra­vel. Bumalik siya sa main office at kinuha ang “hanko”.

Nang pabalik na siya sa station, dakong 8:15 ng umaga, ibinagsak ng American bomber The Enola Gay ang atomic bomb “Little Boy” sa gitna ng siyudad. Nasa tatlong kilometro ang layo niyon sa kinaroroonan ni Yamaguchi. Sa lakas ng pag­sabog, na-damage ang eardrum ni Yamaguchi. Pansamantala siyang nabulag at nasunog ang kaliwang bahagi ng kanyang katawan. Dahil sa tinamong mga sugat, kinailangan niyang manatili sa air raid shelter. Kinabukasan, umuwi na siya sa Nagasaki para doon magpagaling.

Pagdating sa Nagasaki, ginamot ang kanyang mga sugat. Kahit may sugat, at naka-bandaged ang katawan, nag-report siya sa kanilang opisina noong Agosto 9. Dakong 11:00 ng umaga habang ikinukuwento ni Yamaguchi sa kanyang superbisor ang pambobomba sa Hiroshima, ibinagsak ng American bomber Bockscar ang atomic bomb “Fat Man” sa gitna ng Nagasaki. Ang layo ni Yamaguchi sa binagsakan ng atomic bomb ay tatlong kilometro rin pero sa pagkakataong iyon ay hindi na siya nasugatan.

Noong 2009, ni-recognized siya ng government ng Japan na tanging tao na naka-survived sa dalawang pambobomba. Namatay si Yamaguchi noong 2010 dahil sa stomach cancer sa edad na 93. (www.oddee.com)

vuukle comment

AGOSTO

BOCKSCAR

ENOLA GAY

FAT MAN

LITTLE BOY

MITSUBISHI HEAVY

SIYA

TSUTOMO YAMAGUCHI

YAMAGUCHI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with