‘Biglang sikat’

 

Maraming mga proseso at mga mekanika sa mga larong ito ngunit balewala ito sa taong gusto ay makamit ang tagumpay at maiuwi ang premyo. Kaya naman ngayong taon inaabangan ng mga manlalaro ng Casino Filipino ang pangalawang ‘National Cash or Car Raffle 2013’ (NCCRP) ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa darating na ika-27 ng Agosto. Tumataginting na 100 milyong piso o mga bagong sasakyan ang ipamimigay ng PAGCOR sa nasabing raffle draw.

Sampung (10) masusuwerteng mabubunot ang papipiliin kung isang milyong piso o isang kotse ang nais nilang premyo.  Masasaksihan ang pagbunot ng mga mananalo sa raffle draw ng NCCRP 2013 sa mga sangay ng Casino Filipino sa Manila, Bacolod, Cebu, Angeles, Mimosa, Olongapo, Tagaytay, Davao at sa mga ‘participating satellite’ ng mga casino. Para sa mga karagdagang impormasyon hinggil sa nasabing raffle promo, mag-‘log-on’ lamang sa ‘official website’ ng PAGCOR sa www.casinofilipino.ph at maaaring makibalita sa kanilang ‘facebook account’ at ‘twitter account’. Maari rin tumawag sa mga numerong 852-7736 o sa 851-7690.

PARA SA IBA PANG BALITA… sinimulan na ng PAGCOR ang paghahanap para sa bagong “Miss Casino Filipino 2013”. Maraming magagandang kababaihan ang nakilahok sa pagbubukas ng paligsahang ito. Tunay ngang sa larangan ng kagandahan at talino ay hindi magpapahuli ang mga Pilipina kaya sa huling araw ng pasahan ng ‘application form’ nung ika-9 ng Agosto, 2013 meron pa ring mga humabol para sumali sa iba’t ibang sangay ng Casino Filipino sa Angeles, Bacolod, Cebu, Hyatt, Iloilo, Pavilion, Olongapo at Tagaytay at matanghal na “Ms. Casino Filipino 2013”. Ang paligsahang ito ay bukas sa lahat ng mga kababaihang Pilipino, mula 18 hanggang 25 taong gulang, dalaga, maganda, matalino, may angking husay at may puso sa paglilingkod sa kapwa. Ilan sa mga patakaran sa pageant na ito, ang kalahok ay dapat residente ng Pilipinas sa loob may anim (6) na buwan at mamamayan ng ating bansa. Para mapatunayan ito kinakailangan ng mga aplikante na magpasa ng dalawang ‘identification’ bilang katibayan. 

Ang mga kalahok ay hindi kailangan magbayad ng ‘entrance fee’ para makasali sa kontes.

Ayon pa sa alituntunin nararapat lamang na ang mga kasali ay ‘naturally born female’, kinakailangang dalaga, hindi pa kasal o nakipaghiwalay (divorced/annulled) at walang anak.

Para naman sa ‘criteria of judging’ ang mga binibini ay bibigyan ng marka ayon sa mga sumusunod: ‘Physical beauty’ (35%), ‘poise and elegance’ (20%), ‘intelligence’ (20%) at ‘over-all impact’ (25%).

Ang mga kandidata ay kinakailangan magpakita rin ng talento. Maaring pagkanta, pagsayaw, pagtugtog ng ‘musical instruments’, ‘dramatic reading’ at iba pa. Ang makakakuha ng mataas na puntos ang mananalo bilang ‘Best in Talent’. Ito ay isang ‘special award’ at hindi kabilang sa pamantayan sa pipiliing mananalo. Tumataginting na 500,000.00 pesos ang maiuuwi ng ‘grand winner’ at tatanghaling “Miss Casino Filipino 2013”.

Tatanggap naman ng 400,000.00 pesos ang 1st runner-up at 300, 000.00 pesos naman­ sa 2nd runner-up. Habang ang 3rd runner-up ay mag-uuwi ng 200,000.00 pesos at para sa 4th runner-up ay 100, 000.00 pesos.

Meron din mga ‘special awards’ na ipamimigay tulad ng ‘Best in Long Gown’, ‘Best in Talent’, ‘Best in Swimsuit’, ‘Miss Friendship’ at ‘Miss Photogenic’— tatanggap ang mananalo sa bawat kategorya ng 10,000  pesos. Ang ‘Grand Coronation Night’ ng Miss Casino Filipino 2013 ay gaganapin sa ika-27 ng Setyembre (Biyernes) sa PAGCOR Grand Theater,  Airport Casino Filipino, Parañaque City.

Para sa kumpletong de­talye maari kayong tumawag sa ‘Entertainment Department’ sa mga numerong 8527758 o 8527760. Maaari din mag-log-on sa PAGCOR official website.  (KINALAP NI CARLA CALWIT) Sa gustong dumulog para sa inyong problemang legal,  ang aming numero 09213784392 (Carla) / 09213263166 (Chen)/ 09198972854 (Monique) at 09067578527 (Mig). Land­line 6387285 at 24/7 hotline 7104038.  Maari rin kayong pumunta sa 5th floor City State Centre Bldg. 709 Shaw Blvd., Pasig City. Bukas kami mula Lunes-Biyernes 9:00AM-5PM. Pwede rin ka­yong mag-email sa tocal13@yahoo.com

Show comments