Lalaking lumpo, nag- scuba diving, nakalakad!

SI Mark Chenoweth ay tinaguriang  “The miracle walker”. Siya ay isang lumpo at 10 taon nang naka-wheelchair. Ipinanganak siyang may spina bifida, isang sakit na naging dahilan para hindi na siya makalakad sa buong buhay niya. Mula noon, lagi na lang nasa kanyang wheelchair si Chenoweth.

Noong 1998, kinunsulta ni Chenoweth ang kanyang doctor kung puwede siyang kumuha ng scuba diving lessons. Hindi pumayag ang doctor. Delikado para sa isang katulad ni Mark ang mag-scuba. Huwag na huwag umano itong gagawin ni Mark.

Subalit sinuway ni Chenoweth ang payo ng doctor. Isang summer, nagbakasyon sa isla ng Minorca, Spain si Chenoweth at nag-inquire sa isang diving center doon para kumuha ng scuba diving lessons. Hindi naman siya tinanggihan ng diving center at agad siyang isinalang para sa unang dive.

Nag-dive si Chenoweth sa lalim na 55 feet. At ganoon na lamang ang pangggigilalas ni Chenoweth sapagkat sa pag-ahon niya ay nakakalakad na siya. Maski ang mga instructor sa diving center ay hindi makapaniwala sa nangyari kay Chenoweth.

Tatlong araw ang nakalipas mula nang mag-scuba, napansin ni Chenoweth na nawalan ng pakiramdam ang kanyang mga paa. Hindi niya maigalaw ang mga ito.  Kaya ang ginawa ni Chenoweth ay muling nag-scuba diving. Pag-ahon niya, muli siyang nakalakad.

Natuklasan ni Chenoweth na habang palalim nang palalim ang kanyang dina-dive, mas lalong tumatagal o humahaba ang oras ng kanyang paglalakad. Kaya palalim nang palalim ang ginawa niyang dive.

Dahil dito, dalawang beses na lang na ginagamit ni Chenoweth ang kanyang wheelchair.

Walang makapagliwanag kung bakit nangyari ang ganito kay Chenoweth subalit ang isang teorya, nagkaroon umano ng epekto ang naghalo-halong rich oxygen sa baga ni Chenoweth at umepekto naman sa nerve cells na naapektuhan ng spina bifida. Iyon ang dahilan kaya siya nakalakad. (www.listverse.com)

Show comments