‘Illegal recruiter’

MATAGAL nang ibinisto ng mga awtoridad at BITAG ang estilo ng mga putok sa buhong illegal recruiter pero marami pa rin ang naloloko!

Target nila ang mga taong nag-aasam makapag-trabaho sa ibang bansa sa paniwalang ito ang mag-aangat sa kanila sa kahirapan.

Iskrip ng mga sindikato ay magandang trabaho, maraming benipisyo at malaking suweldo sa papasukang trabaho pero ang mga ito ay gawa-gawa lang at walang katotohanan!

Kuwidaw! Posible kasing mapabilang kayo sa mga nabibiktima gamit ang kanilang taktika!

Gasgas na ang modus na ito! Iniiba-iba lang ng mga sindikato ang kanilang presentasyon para maka-BITAG ng bibiktimahin!

 Practical tips ng BITAG sa publiko, huwag agad magpapaniwala at magtitiwala sa mga nag-aalok ng magandang trabaho sa labas ng bansa.

Siguraduhing may lehitimong tanggapan ang  recruitment agency bago makipag-transaksyon.

Upang makasiguro, makipag-ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno na nakakasakop at may kaugnayan sa inaalok na trabaho upang hindi ma-BITAG ng mga sindikato!

 Manood at makinig ng Bitag Live! araw-araw sa AKSYON TV Channel 41 at Radyo 5.  Pinoy US Cops-Ride Along, Sabado 8:30-9:00 at BITAG, 9:15-10:00 ng gabi sa PTV4. 

***

Para sa inyong mga sumbong at tips mag-text sa 09192141624 o mag-email sa bahala­situlfo@hotmail.com. Maaari rin kayong magsadya sa BITAG Headquarters sa #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing Miyerkules, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

 

Show comments