My Bike

PAGKATAPOS turuan ng Amerikanong pari ang mga katutubo tungkol sa pananampalataya sa Diyos, tinuturuan din niya ang mga katutubo sa pagsasalita ng English. Ang nakakatuwa, magaling mag-Tagalog ang Amerikano. Palibhasa ay si Minyong ang pinuno ng tribu, one-on-one ang pagtuturo sa kanya ng pari.

“Nakikita mo ang punong iyon? Ang English doon ay tree.”

“TREE” ulit ni Minyong na para bang minememorya ito.

Bawat madaanang bagay ay sinasabi ng pari kung ano ang tawag doon sa wikang English.

“Ang malaking bato na nakikita mo sa gitna ng ilog ay rock.”

“ROCK” pasigaw na sabi ni Minyong. Para bang proud na proud siya sa sarili.

Nakita nila na lumalangoy sa ilog ang anak ni Minyong. Hayun pala ang anak mo. Kapag anak na lalaki, ang English dito ay SON.

“Father, paano ko po sasabihin na siya ang aking anak?”

“MY SON.”

Lakad nang lakad ang dalawa at nalibang sa pagtuturuan ng English. Hindi nila napansin na nasa gubat na sila. Napatigil sila sa paglalakad dahil may narinig silang umuungol sa likod ng malaking puno. Unang sumilip si Father sa likod ng puno. Nagulat si Father sa nakita: Ang lalaking hubad ay nasa ibabaw ng babaeng hubad.

“Father, ano po ang nakita mo?”

Ayaw magsalita ni Father ng kabastusan kaya sinabi na lang na RIDING THE BIKE. Hindi maintindihan ang sinabi ng pari kaya sumilip siya. Biglang dinukot ni Minyong ang nakasukbit na baril sa baywang. Pinaputok iyon sa dalawang nagtatalik.

“Bakit mo binaril? Hindi kita tinuruang pumatay ng tao. Ma­laking kasalanan sa Diyos ang iyong ginawa! Kilala mo ba sila?”

Napaluha si Minyong. Itinuro niya ang babaeng hubad, “Father, my bike.”

Show comments