DAPAT daw ay wala nang “pulis patola†ngayong binubuhusan na ng suporta at malaking budget ang Philippine National Police (PNP). Lahat daw ng kailangan ng PNP ay ibinibigay kaya dapat wala nang incompetent police officers. Sa selebrasyon ng 112th Police Service anniversary noong Martes, mariing sinabi ni President Noynoy Aquino na sa pagbibigay ng P9 billion budget, mai-improve na ang PNP at makapagbibigay ng magandang serbisyo sa mamamayan. Magkakaroon na ng karagdagang baril ang pulisya bago matapos ang 2013. Sa pagkakaroon ng makabagong baril, inaasahan na mai-improve ang shooting skill at pag-iimbestiga ng mga pulis.
Tama ang Presidente na maraming “pulis patola†sa PNP. Pero nakalimutan niyang ipaalala na marami ring “pulis kotongâ€, “pulis hulidaperâ€, “pulis torture†at “pulis rubout†na labis na nagpapasama sa imahe ng PNP. Bagsak ang rating ng PNP sa paningin ng mamamayan dahil sa dami ng mga kinasasangkutang kaso. Mayroong mga tao na makita lamang ang asul na uniporme ng pulis ay iba na ang naglalaro sa kanilang isip. Sa halip na mahingian nila ng tulong, kapahamakan ang kanilang kinahahantungan.
Kamakailan, maraming pulis ang sangkot sa rubout ng dalawang miyembro ng Ozamis robbery gang. Inamin mismo ni PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima na rubout ang nangyari. Noong Enero 6, 2013, maraming pulis sa Calabarzon area ang sangkot sa Atimonan massacre. Labintatlong tao ang pinatay ng mga pulis. Agawan sa teritoryo ng jueteng ang ugat ng pagpatay.
Isang taon na ang nakararaan, isang police inspector ang na-videohan na tinotorture ang isang holdap suspect sa loob mismo ng Asuncion PCP sa Tondo. Tinalian ang ari ng suspect at hinihila ng inspector para umamin sa ginawang krimen. Nasibak naman sa puwesto ang inspector at sinampahan ng kaso.
Wala nang “pulis patola†at sana wala na ring mga pulis na nagpapasama sa imahe ng PNP.