Mag-ama, tumakas noong Vietnam war, 40-taon na nanirahan sa gubat

KUNG hindi namataan ng isang grupo ng hunters sina Ho Van Lang at kanyang 82-anyos na ama, maaaring nasa gubat pa sila ng Vietnam at wala pang kamalay-malay sa mga nangyayari sa kanilang bansa. Hindi pa rin nila marahil nalalaman na tapos na ang giyera at nagsisimula nang umunlad ang kanilang bansa.

Sina Ho Van Lang ay tumakas noong 1973 makaraang ma­patay ang mga miyembro ng kanilang pamilya. Nasabugan ng landmine ang kanyang ina at mga kapatid. Ipinasya ng mag-ama na mamuhay na lamang sa kagubatan. Wala silang anumang dala kundi ang suot na damit sa katawan at ilang gamit gaya ng itak.

Nawalan sila ng komunikasyon sa civilization sa loob ng 40 taon. Ayon kay Ho Van Lang, sa itaas ng kahoy sila nanirahan. Doon sila gumawa ng bahay para maprotektahan ang sa­rili sa mababangis na hayop.

Nang makita sila ng grupo­ ng mga tao at kum­binsi­hing bumalik sa sibi­lisasyon, tumanggi sila sapagkat mas gusto nila sa gubat. Dahil doon, ipinagbigay-alam na ng grupo sa mga awtoridad ang kanilang natuklasan. Saka lamang nakumbinsi ang mag-ama na iwan ang kagubatan.

Doon natapos ang 40 taon na pamamalagi nila sa kagubatan. Sa kasalukuyan, ginagamot sila para maka­bilang sa lipunan na dating kinabibilangan.

 

Show comments