^

Punto Mo

Vegetarian si Hitler

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NAGING vegetarian si Adolf Hitler noong later part na lang ng kanyang buhay. May ugali si Hitler na kapag may party, bigla siyang magkukuwento sa mga bisitang kasalukuyang kumakain ng mga kuwentong kadiri tungkol sa mga slaughter house sa Ukraine na nabisita na niya. Ikukuwento niya nang detalyado  kung paano kinakatay ang mga hayop; tapos ilalarawan pa niya ang maruming kondisyon ng mismong slaughter house. Ginagawa niya ang kabastusang ito upang mawalan ng gana ang mga bisita na kumain ng karne.

Kapag nanonood siya ng pelikulang may eksenang pinapatay ang hayop, hindi siya tumitingin at inuutusan na lang niya ang kanyang tauhan na ikuwento na lang kung ano ang nangyari. Kapag tapos na ang eksena ng patayan ng hayop, saka niya aalisin ang takip sa kanyang mata. Ayon sa kanya, hindi raw niya kayang tingnan ang pang-aabusong ginagawa sa mga hayop. Ang ka-OA-yang ito ni Hitler ay dumako pa sa pagbabawal  ng mga pelikulang may temang pang-aabuso sa hayop.

Naglabas din siya ng mga batas na may kinalaman sa animal rights. Isa na dito ang pagbabawal na lutuin ang lobster. Isang ma­ngingisda ang ikinulong sa concentration camp matapos siyang mahuli na nagkatay ng palaka para gamiting pain sa pangingisda.

Maraming kababayan ni Hitler ang lihim na nasusuka sa pagiging OA nito. Mabuti pa ang lobster at palaka at binigyan niya ng karapatang mabuhay. E, ano kayang tawag doon sa pagpatay niya sa milyun-milyong Jews? Pero may mga his­torians na itinama ang tungkol sa pagiging vegetarian ni Hitler. Nagbawas lang daw ito ng pagkain ng karne at dinagdagan ang vegetables sa kanyang diet. Black propaganda lang daw ang pagla-label ng “vegetarian” kay Hitler upang siraan ang mga tunay na vegetarians.

 

ADOLF HITLER

AYON

GINAGAWA

HITLER

IKUKUWENTO

ISA

KAPAG

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with