^

Punto Mo

Dengue at Chikungunya

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

BUKOD sa dengue na laganap kapag tag-ulan, isa pang sakit na tinatawag na Chikungunya (ChikV) ang naidudulot ng mga lamok.  Wala raw gamot sa ChikV at puwede ring ikamatay ng taong dadapuan nito. Sinasabing magkatulad ang sintomas ng dengue at ChikV.

Nabatid ito sa isang pulong-balitaan sa Maynila noong nakaraang linggo na ipinatawag  ng kompanyang Yngentech na distributor ng bagong pamuksa sa lamok na tinatawag na Quiti Kill. Ayon sa pahayag ng Yngentech, mabisa ang Quiti Kill sa pagpuksa sa mga kiti-kiti na nagiging lamok.

Sinabi ng vice president ng Yngentech na si Dr. Carlo “Doc Caloy” Ynion na ang paggamit ng Quiti Kill ay higit na epektibo kaysa fogging  o paggamit ng mga tradisyunal na insecticide, “Ang isang kiti-kiti ay puwedeng dumami ng hanggang 92 milyong lamok.  Bago pa ito maging lamok ay dapat na natin silang puksain,” sabi ni Ynion. 

Ayon sa Department of Health, umaabot na sa mahigit 40,000 kaso ng dengue ang naitala mula Enero 2013 at 200 na ang namamatay. Kung wala tayong gagawin, dadami pa ang bilang na ito. 

Paano ginagamit ang Quiti Kill? Ayon kay Ynion, ang Quiti Kill ay inilalagay lamang na parang pulbos sa mga lugar na may tubig na naiipon. Puwedeng ilagay sa flower vase o sa ipunan ng tubig sa likod ng refrigerator. Sa mga ganitong lugar gustong mangitlog ng lamok. 

Puwede ring gumawa ng trap para mahuli ang mga kiti-kiti. Puwedeng maglagay ng planggana na may tubig sa isang lugar na madilim at doon mangingitlog ang mga lamok. Puwede nang lagyan ng Quiti Kill iyon para tiyak na tepok ang kiti-kiti. Kinakain daw kasi ng kiti-kiti ang Quiti Kill. Pagkakain, nasisira ang digestive system ng mga kiti-kiti. Hindi sila natutunawan pero kain pa rin sila nang kain. Mamamatay sila sa kabusugan.

Hindi rin umano ito nakakalason sa hayop o sa tao man. Kiti-kiti lang talaga ang pinapatay nito. Kaya ligtas ito sa mga aso o pusa at maging sa isda. Dahil bago pa lamang, hindi pa raw available ang Quiti Kill sa mga tindahan. Kadalasan daw na bumibili nito ay local government units at mga opisina ng DOH.

Para sa detalye sa Quiti Kill, i-check ang www.quiti-kill.com o tumawag sa Yngentech sa (02) 403-7265 o (0917) 453-7839.

vuukle comment

AYON

DEPARTMENT OF HEALTH

KILL

KITI

QUITI

QUITI KILL

YNGENTECH

YNION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with